BREE"Teacher Bree, dito na ba kayo forever titira?" Bigla'y di ako makasagot sa tanong ni Iris.
"Oo nga po. Si mommy at daddy love ang isa't isa kaya dito na sila forever kasama kami. Pati din si Tita Ali at Tito First. Eh kayo po ni Tito Third? Ganun din po?" Lalo naman akong hindi nakaimik dahil sa sinabi ni Sam.
Love?
Mahal ko nga ba siya?
O mas tamang tanungin kong mahal ba talaga niya ako?
I like you very much, Bree.
Yun lang kasi ang assurance na pinanghahawakan ko. Kung kilos naman ang pagbabasehan aba'y daig na namin ang mag-asawa kong umasta.
Ewan ko ba. Basta si Third ang usapan, kusa akong nawawala sa sistema ko. Bago ko pa man maibuka ang aking bibig para magsalita ay may yumakap na sa akin mula sa likuran.
"Tsk! Di ba dapat nag-aaral kayo? Bakit kung anu-ano tinatanong niyo kay Teacher? Isusumbong ko kayo sa mga daddy niyo na di kayo nag-aaral ng mabuti.." bigla namang napaayos ng upo ang dalawa saka ipinagpatuloy ang paggawa ng assignment. Napailing na lamang ako.
Muli akong napasinghap ng halikan ako ni Third sa leeg.
"Third ano ba! Kita mong may mga bata eh.." pabulong kong saway sa kanya at ang loko pacool na kumalas sa akin saka nakapamulsang nginisian ako.
"I'll wait for you in my room then." Bulong niya saka walang pasabi akong hinalikan sa labi at lumabas sa study room ng mga bata. Napangiti na lamang ako pero pilit binura ng maabutan kong nakatingin sa akin ang mga bata.
"emmmm...tapos na kayo?" Kunwari kaswal kong tanong at pareho naman silang nakangiting umiling.
Tsk di na din bata masyado ang mga ito para utuin.
_________
Tsk walang magawa.
Ayaw ko namang pumasok sa kwarto niya o study room ni Third baka kung anu ano na namang maisip niyang gawin.
Naglalaro din ang mga bata sa playroom nila at lumabas lang kanina sina Tito at Tita. Ang hirap naman kasi dito sa mansion nila walang mapagkaabalahan dahil lahat ng mga tao dito may nakatoka ng gawain.
Matawagan kaya si Gie at ng makalabas naman kami. Tagal na kasi mula noong lumabas kaming magkasama.
Tatawagan ko na sana siya ng marinig ko ang mahinang usapan sa kusina. Dadaan din sana ako doon para kumuha ng tubig.
Sina Ate Ali at Kuya First pala. Napangiti na lamang ako dahil sa pagsusungit ni Ate Ali.
"Baby.,..sorry na. Please.."
"Wag mo akong ibaby baby dahil may baby na tayo. Nasa taas na natutulog..."
Mahina akong natawa sa kacute-an nila.
"No...you're still my baby no matter what.,kahit dumami pa mga babies natin..."
"At talagang may balak ka pang bumuo ng soccer team ah...mahirap manganak First kaya manigas ka."
"Ito na nga naninigas na.,,"
"FIRST!"
A/N: forgive me for my words. Ganyan lang talaga si First. Peace..
Mahina ulit akong napatawa sa usapan nila pero napasinghap na lamang ako ng makita ang sunod na eksena. Binuhat lang naman ni Kuya First si Ate Ali saka iniupo sa kitchen counter.
BINABASA MO ANG
Rooted from Debt (COMPLETED)
General FictionThird's Story Meet Bree Samaniego, ang pambayad utang ni Clark Shintosa sa utang na loob niya kay Third C. Chance.