Chapter 6

7.9K 176 4
                                    

BREE

It has been a month matapos akong madischarge sa ospital. I already went back sa pagtuturo and I also found out that the investigation about my kidnapping case is still going on dahil nasa ibang bansa pa ang pinakautak ng kidnapping na yun. Si Mr. Z.

Third is still constantly hanging around me. Di niya pinapaalis ang bodyguard ko at kahit anong pagtanggi ko mapilit pa din siya kaya hinayaan ko na.

Lagi din siya nangangamusta at iwan ko kung nakakapagtrabaho pa siya sa halos oras oras na pagkumusta sa akin sa body guard na laging nakabuntot sa akin.

Daig pa niya ang kapraningan ni Clark dati. I felt a sudden pain as I remember him. Sa loob ng isang buwan ay hinanap ko talaga siya. Pero kahit kusing na bakas wala akong alam sa kung saan siya, all I know is he's already out of the country chasing after that drug lord.

Kung may misyon lang siya., bakit kailangan niya akong ipaubaya sa iba? Kung mahal niya ako bakit kailangan niya ako ipamigay? Is that even fair?

Narinig ko ang bawat usapan nila ni Third pero hirap pa din ako idigest ang lahat especially Third's confessions.

How did he even like me?

Totoo ba yun?

"Teacher Bree may pogi po kayong bisita sa labas.." imporma sa akin ng isa sa mga estudyante ko na pumasok bigla sa office ko.

"Sino daw?" Balik tanong ko. Umiling naman siya saka umalis bigla.

I grabbed my bag and went out of my designated office. Nakauwi na halos lahat yung mga co-teachers ko at mga bata lang na malapit ang bahay dito sa skul ang naiwan.

Pagkalock ko ng pinto ay napansin kong wala yung bodyguard and I was about to sneak out when someone grabbed my wrist.

"Third..." medyo utal kong anas. He smirked as she let go of my hand.

"Planning to sneak out?" Aniya at agad naman akong umiling kaya tumawa lang siya.

Kainis to!

Nagsimula kaming maglakad papunta sa parking lot.

"Ikaw ba ang sundo nina Iris?" Agad naman siyang umiling.

"Nasundo na sila ni Manong. Ikaw ang sinusundo ko.." diridiritsong aniya sabay pinagbuksan ako ng pinto papasok sa shotgun seat. Imbes na makipagtalo ay agad na lang akong pumasok.

"Tatanggalin mo na ba ang bodyguard ko? Nakakaasiwa na kasi eh.." nakangiti kong tanong baka sakaling madaan siya sa pagpapacute ko.

Ngumiti siya saka umiling. Napabusangot na lamang ako.

"Even though you're so pretty with that smile on. I won't compromise your safety. Masanay ka na Bree, the culprit is still on the run,.," seryosong aniya.

At ewan ko ba sa sistema ko at yung pretty lang yata ang naintindihan ko sa sinabi niya.

"So you're saying that i'm pretty?" I asked as my smile grew wider. Napapailing naman siyang ngumiti.

"Why do girls always love to hear a comment that they are pretty?" Namula naman ako saka nag-iwas ng tingin. Ang tanga ko din kasi. Sa lahat kasi ng itatanong eh yun pa.

"Mas guto niyo pang marinig na maganda kayo kaysa masipag..." pagpapatuloy niya na ikinanguso ko.

"Tsk di naman. Natanong ko lang." Depensa ko.

We are halted by the sudden ring of his phone.

"Ed.,ano?!"

"Sige papunta na kami dyan.."

Aniya saka kaagad binaba ang phone. Kinabahan ako bigla dahil sa reaksyon niya. Galit at tila puno ng pag-aalalang tumingin siya sa akin.

"Stay with me tonight..." napanganga ako sa sinabi niya. Ano daw?

"Ehhh?" That's the only word that my system could process.

"Tumawag si Ed. Pinauna ko siya sa apartment mo and someone just robbed it. He even saw some blood stains kaya para makasiguro.,I'll bring you home.." seryosong paliwanag niya na nagdulot ng kaba sa sistema ko. Yung takot na naramdaman ko ng makidnap ako ay kusang nagbalik. Nanginig ako bigla.

But I was even more shocked when he stopped the car and pulled me for a hug.

"Don't be scared. I promise to protect you all the way..." his words cause my tears to fall and my memories to show.

"Ang kinis kinis naman ng babaeng ito...Sarap nito panigurado..." nanginginig ako sa sobramg takot dahil sa grupo ng kalalakihan na nasa harap ko. Ang lalaki nila at puro mga nakatattoo.

Nakatali ako sa upuan at nakabusal ang bibig. Grabe ang nginig ko sa takot habang ang mga luha ko'y patuloy sa pag-alpas.

"Tsk wag daw muna natin galawin. Si big boss ang mauunang tumikim..." komento ng isa na ikinahalakhak nila.

"Di ko mapigilang maexcite..." komento naman ng isa habang unti unting linalapit ang mukha sa akin. Amoy alak sila. Ang isa namay hinihimas ang hita ko at ang isa'y ang braso ko. Magpumiglas man ako't umiwas ay wala rin itong nagawa.

"Di na ako makapag-antay...Unahan ko na ito. Wag niyong sasabihin kay boss..." maawtoridad na sabi ng pinakaleader nila saka marahas na lumuhod sa harapan ko.

Lalong lumakas ang hikbi ko ng paglandasin niya ang kanyang kamay sa dibdib ko pababa sa pinababang bahagi ng katawan ko.

"Natikman ka na ba ng lintek na agent na yun hah?" Tanong niya habang hinahalikhalikan ang ang nakaexpose kong hita.

Wala akong magawa kundi magpumiglas. Anong agent ang pinagsasabi niya.

"Ay oo nga pala. Di mo din alam na agent ang kasintahan mo ano? Kawawa ka naman..." kunwari naaawa niyang sabi kaya lalo akong naguluhan.

"Tingnan lang nagin kong mailigtas ka ng Clark Shintosa na yan sa lagay mo ngayon. Mas mainam kong matitikman muna kita..." aniya saka sila sabay sabay na tumawa ng malademonyo.

Clark please tulong...
AGENT KA MAN O HINDI
Basta iligtas mo ako dito ngayon..please

Akmang kakalasin nito ang botones ng shorts ko ng biglang may marahas na bumalibag sa pinto. Iniluwa nito ang limang kalalakihan at pare parehas silang nakaitim.

Di ko na sila napagmasdang labanan ang mga kidnappers basta ang alam ko ay madugo ang naging engkwentro nila.

"Bree..." napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang pamilyar niyang pagtawag sa aking pangalan.

"Clark.." naluluha kong tugon saka niya ako tinakbo upang yakapin.

"Don't be scared. I promise to protect you all the way..." that's the last thing I could remember na sinabi niya bago ko marinig ang putok ng baril at maramdaman ang sakit mula sa aking likuran.

I was shoot.

"Sssshhh you'll be safe..Pupunta lang tayo sa apartment mo then I'll take you home. Please wag ka nang umangal.." all I can do is obediently nod dahil sa takot.

Bakit naman nila ako nanakawan bigla o lolooban. My apartment is one of the most secured apartment kaya nga yun ang pinili ko eh.

Has this something to do with Clark's enemies still?

"Promise. You'll be safe with me.." aniya saka ako muling yinakap ng mahigpit.

Third, am I really safe with you?

Rooted from Debt (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon