Prologue

6.8K 76 0
                                    

"Wow." Hindi maiwasan ni Robert ang mapahanga sa nababasa sa loob ng kanyang computer. He was awe in the concept that there was parallel universe. Where there was a possibility that there was this version of himself, totally different from what he was right now. Just, wow. Napangiti si Robert. Lalo kasi siyang nasasabik sa kanyang ginagawang pagbabasa habang tumatagal. Nakakahanga talaga.

Noon pa mang bata siya, mahilig na siyang magbababasa tungkol sa mga bagay-bagay at nitong huli, siyensiya naman ang kinahiligan niyang topic na basahin. Hindi na naiwasan pang isipin ni Robert, paano nga kaya kung nage-exist din siya sa ibang universe?

Paano kaya 'yon? Hindi man malinaw ang imahinasyong nabubuo sa kanyang isip ngunit talagang nasasabik siya. Paano kung nabubuhay rin siya sa ibang mundo ngunit iba naman ang paraan ng kanyang pumumuhay? Maaari kayang doon sa mundong iyon ay isa siyang normal na nilalang na galing rin sa normal na pamilya? May posibilidad. There, he could only think of one thing. Freedom. There, maybe he has that.

Unlike here, all of other people's eyes were on them. To him and to his family. Hindi niya maiwasang kung minsan ay makaramdam ng pagsakal. Naiisip niya, ni minsan ba naging malaya ang pamilya niya mula sa limelight? Robert shook his head, of course, it was impossible. He highly doubted that. Walang sino man sa Flademia ang hindi nakakakilala sa kanyang pamilya.

His father was a royal duke and he was a nephew to the Queen, and that thing that he was thinking just now was out of the question. Napabuntong-hininga na lamang siya. Dapat at hindi na niya iniisip pa ang mga ganoong bagay.

Kung kanina nae-excite siya, ngayon ay tila bigla naman siyang napapapagod sa set-up ng kanyang buhay. Nais niya kumawawala, kahit saglit lang. Gusto niyang maging iba naman ang takbo ng kanyang buhay, kahit pansamantala lang. Naiisip niya, ang saya siguro noon sa pakiramdam. Na kahit sandali, walang matang nakabantay sa bawat kilos niya.

"Kuya!" Agad na itinago ni Robert ang kanyang laptop nang marinig ang tinig na iyon. Galing iyon sa kanyang makulit na pinsan na si Simon siyang nariringgan niyang tumatakbo patungo sa kanyang kinauupuan. Paniguradong kukulitin siya nito tungkol sa kanyang binabasa sakaling makita siya nito kaya't agad niyang isinilid ang kanyang laptop sa kanyang bag.

"O, Simon nandito ka pala?" Bati niya sa pinsan, sabay lagay sa kanyang tikod ng kanyang laptop bag. Hihingal-hingal ang pinsan niya dahil sa katatakbo.

"I saw you reading about something. What is it about? Seems interesting." Sabi pa ni Simon sa kanya.

Napalunok si Robert. Nakita pala siya nito kung ganoon. Napaisip tuloy siya kung sasagutin niya ang tanong ng kanyang pinsan. Paano kasi ay kapag nasimulan siyang magkwento dito ay baka hindi na sila matapos buong maghapon.

Hindi naman sa ayaw niyang makausap ang pinsan. Nais lamang niyang huminga kahit sandali. Iyon lang kasi sa iilang pagkakataon ang kanyang oras para sa sarili, ang kanyang breaktime. Ayaw sana niyang ubusin pa ang kakaunting oras na iyon para lang makipagkwentuhan pa kay Simon.

"It was nothing important. You know, teen stuff." Simpleng tugon niya sa tanong ni Simon sa kanya.

Pinagkatitigan siya nito at pakiramdam niya ay malaking kasalanan na ang kanyang nagawa sa kanyang pagsisinungaling. Ngunit sa huli ay mukhang binili naman nito ang kanyang sinabi.

"Okay. It looks heavy though. Your laptop, I mean. Don't worry, the time will come that you'll be carrying the thinnest version of that. I'll make sure of that." Makabuluhang sabi ni Simon sa kanya at nagpaalam narin.

Napailing na lamang si Robert dito. Minsan talaga ay napakatalinhaga magisip ng kanyang pinsang iyon at may pagkawirdo rin. Kung sabagay kanino pa ba ito magmamana, kung hindi sa Uncle Wilson niya na asawa ng kanyang tiyahing reyna.

Flademian Monarchy 5: Dealing With Mr. WrightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon