VI

1.2K 37 1
                                        

Friend zoned. Never in her entire life she experienced that. It was either people want her or hate her, there were no such as in between. Pero sa isip-isip ni Phoebe, maigi narin ang nangyari. Malaki mang sampal sa kanya iyon, at least, nagising naman siya dahil doon.

Ngayon, kailangan niyang ituloy ay nauna niyang balak. Ang maghanap ng mapaglo-loan-an ng pera para sa kanyang exhibit. Hindi ba't iyon naman talaga ang kanyang unang plano bago dumating si Robert sa buhay niya at pilit na isama siya sa tahanan nito? Para ano, sabihin isa siyang mabuting kaibigan. Bullshit. For a moment, she believed in her own fantasies. Akala niya, kahit papaano ay may nadarama rin ang binata para sa kanya. Well, it was her fault, too. Kung hindi ba naman siya nagpadala sa mga ipinapakita sa kanya ng lalaki, hindi naman din siya madi-disappoint nang ganoon.

Sa tuwing matatapos siyang maglinis ng kabahayan ay magkukulong siya sa kanyang silid maghapon hanggang gabi kapag walang pasok si Robert. Ayaw niyang makita ito. Part of her was ashamed of how she acted as well. As if she was a wife to him every time while in fact, she was nothing but a good friend. Yes, she was so bitter about it too. Pakiramdam niya, ang gaga-gaga niya para umasa nang ganoon.

Tamang-tama at nakaalis na si Robert, aalis rin siya upang humanap ng bangkong pwedeng magpahiram sa kanya ng pera para sa kanyang exhibit. Naisip niyang hindi na niya ibuburo ang sarili sa bahay na iyon ngayon araw pagkat baka kung ano na namang ilusyon ang pumasok sa isip niya.

"Ay kabayo!" Ganoon nalang ang gulat niya paglabas ng kanyang silid nang makasalubong niya roon si Robert. Ang akala niya ay pumasok na ito sa opisina.

"Anong ginagawa mo dito?" Tila wala sa sariling tanong niya rito. Tinawanan lang siya nito. Oo nga naman, bahay nito iyon.

"Ang akala mo ba nakaalis na ako? No. Inantay talaga kita. Napapansin ko kasi, ilang araw ka nang umiiwas sa akin. Ni hindi ka na sumasabay kapag kumakain ako."

"Hindi ako umiiwas. Talagang gusto ko lang magkulong sa kwarto ko. Na-miss ko na ang pamilya ko." Totoo naman ang sinasabi niyang iyon ngunit mas lamang parin ang kasinungalingan roon. Iniiwasan nga kasi niya ang binata.

Robert was looking at her so intently. Hindi niya malaman kung anong iniisip ng lalaki ng mga oras na iyon. Nag-iwas siya ng tingin. He was making her uncomfortable looker at her that way.

"Kung ganoon, bakit hindi ka makatingin sakin nang diretso?"

"Robert, alam ko namang malaki ang utang na loob ko sayo sa lahat ng ginawa mo para sakin pero wala ako sa mood ngayon. Pasensiya ka na." Hindi na napigilan ni Phoebe na lumabas iyon sa kanyang bibig, si Robert naman ay natahimik. Nawala ang pilyo ngiti sa mga labi. Natahimik silang pareho.

"Sige, mauna na muna ako." Sabi niya maya-maya at hindi na niya inantay pang nakapagsalitang muli si Robert. Umalis na siya roon.

UMUWI SI Phoebe ng gabing iyong pagod, dismayado, bigo at gigil na gigil. Buong araw siyang naghanap ng bangkong maaaring magpahiram sa kanya ng pera para sa ngunit kagaya ng parating nangyayari, kapag wala siyang maipakitang valuable na collateral, kulang nalang ay pagtabuyan siya ng mga ito papaalis.

Ang huling bangkong pinuntahan niya kanina, akala niya ay magiging ayos na. Naging mabait ang teller na nakausap, maging ang manager nito. Ngunit nang banggitin niya ang kanyang pangalan, tila nagbago ang timpla ng mga ito at biglang sinabing hindi siya nito mapapahiram ng pera.

Para siyang may ketong na halos pagtabuyan ng teller at manager. Tinanong niya ang mga ito kung bakit biglang naging ganoon ang pagtrato ng mga ito sa kanya, ang sagot lang nito sa kanya ay ayaw nitong managot kay President Wright. Wala siyang kilalang ibang President Wright kung hindi si Robert. Ang hindi niya maintidinhan, bakit ginaganoon siya ng binata? Batid niya kung gaano kaimpluwensiyang tao ito, ngunit hindi naman niya alam na gagamitin nito ang impluwensiyang iyon sa kanya.

Flademian Monarchy 5: Dealing With Mr. WrightMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon