It has been almost a month now since Phoebe ran away from everyone. Kahit na nakauwi na siya sa Flademia, sa takot na masundan siya ng lolo niya roon at baka madamay pa ang kanyang mga magulang dahil sa nangyari ay hindi rin siya umuwi sa bahay nila.
Hindi niya sigurado ang kapasidad ng kanyang lolo ngunit nangangamba siyang baka saktan nito ang kanyang magulang kapag hindi parin siya pumayag sa nais nitong pagpapakasal sa kanya. Ang tanging naisip lamang ay lumayo.
Para mabuhay ay minsan niyang palihim na inakyat ang kanyang silid para kumuha ng ilang gamit pati narin kunin ang kanyang mga bankbook na naglalaman ng lahat ng kanyang ipon. She almost got caught when she heard her mother crying, worrying about her. Dahil roon a ninais niyang yakapin ang ina kahit sandali at siguraduhin ritong ayos lang ang lagay niya ngunit hindi niya kayang isapalaran iyon. Kung nagpakita siya sa kanyang Mama, baka hindi na siya makaalis pa ng bahay na iyon. Kaya nga't nagmadali siya at patakbong umalis roon.
She had to stay away for a while, and from her family as well. That was the only way she could only be sure that everyone would be safe. Kung hanggang kailan, hindi siya sigurado.
Ang problema ngayon ay ang kanyang perang panggastos. Paubos na ang kanyang mga naipon at wala rin siyang malalapitan pagkat nagtatago nga siya. Halos lahat ng pera niya ay ipinang-bayad niya ng kanyang matitirahan nga anim na buwan at ang iba naman ay ginamit niya panggastos sa araw-araw.
Ang dami niyang pinoproblema ngayon Bukod kasi sa pera ay wala rin siyang ibang mapagkatiwalaan. Hindi niya alam kung sino ang kakampi sa kaaway kaya't hindi na siya nagaksaya pa ng panahong tumawag sa kanyang mga kaibigan pagkat alam niyang wala rin sa mga ito ang tutulong sa kanya kung sakali. Alam niya ang ugali ng mga ito, hindi maasahan sa ganitong panahong gipit na gipit siya. Para siya ngayong isang pipe na nais humingi ng saklolo ngunit wala namang nakakarinig ng kanyang hinain. She was helpless.
The next day, she tried looking for a job that no one could recognize her there. She went down town Metro Primo, at the 'ghetto' part of it as her peeps used to say. Doon, sigurado siyang hindi siya matutunton ng kanyang lolo.
Nanginginig na naman siya sa tuwing maaalala ang naging tagpo niya sa airport ilang linggo na, ang pakikipaghabulan niya sa mga goons ng abuelo roon. Ganoon nalang ang kanyang takbo noon pagkat kilala niya ang isa sa mga lalaking nakita, ang right hand man ng Duque. Malinaw na pinasundan siya nito roon. She shook her head, trying to forget what happened. Walang mangyayari sa kanya kung puro takot ang kanyang paiiralin. She had focus.
Phoebe thought everything would eventually be better but the hard part was just getting started. Dahil nga nagtatago ay kinailangan niyang kumuha ng trabaho wala talagang makakakilala sa kanyang kahit sino. She tried waitressing but she was clumsy. Halos wala pa nga siyang kinikita ay ubos na ang sinusweldo niya sa dami ng kanyang nga nabasag na pinggab sa unang araw palang. Hindi na siya bumalik roon kinabukasan.
She tried flipping burgers as well but she end up burning it all in the end. Hindi naman siya marunong magluto ng ganoon. Nais mapaluha ni Phoebe. Daig pa niya ang na-bankcrupt sa kanyang sitwasyon. Natutukso man ay hindi niya magawang humingi ng tulong sa kanyang mga magulang. Hindi niya hahayaang madamay pa ang mga ito sa kanyang mga problema.
The next day, she tried looking for another job. She went in a somehow 'classy' motel there and applied as a chambermaid. Mabuti na lamang at hindi siya hiningan ng mga ito ng experience basta ba willing siyang sumailalim sa matindihang training. Of course, she 'yes' right away. Baka iyon na ang trabahong para sa kanya.
Ngunit nang magsimula siya at matapos ang unang araw ng training niya ay halos pagapang na siyang umuwi sa kanyang inuupahang apartment. She was dead tired and yet, she had to wake up early for the next day.
BINABASA MO ANG
Flademian Monarchy 5: Dealing With Mr. Wright
RomansaAs the Middle child of a Duke, Being a second child means that he has no right over his father's dukedom or anything that comes along with it. He couldn't care less for he is the president of his own government. His dominance controls everyone that'...
