Robert was furious. Paano ba naman ay napaka-incompetent ito ng kanyang sekretarya. Hindi niya malaman kung sinasadiya ba siya nito o ano. Nagbilin siya ritong i-book siya ng flight pauwi ng Flademia pagkat walang available na jet ang kompanya para sunduin siya.
Ngunit talagang iniinis siya ni Ms. Vicky, ang kanyang sekretarya at ikinuha siya nito economy ticket. Napahilamos na lamang siya sa sarili. Nais man niyang sigawan ang matandang dalaga na iyon ay wala siyang magagawa sa ngayon kung hindi ang magtimpi na muna at magantay na makauwi siya. Asar na asar siya.
Noon pa man ay batid na niyang hindi siya gusto nito bilang boss. Dati itong sekretarya ng kanyang ama na ngayon ay retired na at abala na lamang sa pagiging duque noto. He knew from the very beginning the she didn't like him. No disrespect to the old lady but the feeling was mutual, he didn't like her either. Masyado itong atribida sa maraming bagay. Lamang ay naging katiwa-tiwala ito para sa kanyang ama bukod sa may edad narin ito kaya't hinayaan na lamang niya.
Ngunit mukhang lumalabis naman si Ms. Vicky sa pagkakataong ito. Bakit simula't sapul na nagtrabaho siya sa kompanya, ni minsan ay hindi siya iginalang bilang superior nito? Bakit parang noon pa man ay sadyang napaka-init na talaga ng dugo sa kanya ng matanda? Napailing siya. Wala siyang natatandaang naging atraso niya rito. Sumasakit ang ulo niya sa kagagawan ng kanyang sekretarya. How he wanted to fire the old hag.
Kumpara sa kanyang mga kapatid ay sa kanya ito bukod tanging ganoon. He will talk to her once he get back to Flademia. Hindi uubra ang mga ganitong attitude sa kanya. Kung kinakailangan paghigpitan niya ng labis ang matandang dalaga, gagawin niya. He will show her who the real boss was.
Sa ngayon ay magpo-focus muna siya sa kanyang pagtulog sa kanyang kinauupuan upang kahit papaano ay hindi na niya maalalang naroroon siya ngayon sa nakakakunsuming flight na iyon. Ngunit maging ang mag-relax ay hindi rin niya magawa.
How could he do that when there was not enough room for his legs and the whole place was too crowded for him? Pakiramdam niya at bigla siyang nakaramdam ng pagka-claustrophobic dahil sa dami ng tao roon. Pakiramdam niya ay sumisikip roon at hindi siya makahingi. Again, he closed his eyes and did some breathing exercises.
But all he could was silently screaming from the inside. Frustrated na frustrated siya ng mga oras na iyon. Damn Ms. Vicky!
Hindi bale, tapos na ang kanyang misyon sa London. Hindi man niya nakausap nang direkta dapat niyang kausapin roon ay ang mga tao naman niya ang nakausap nito.
Ayon sa kanyang tauhan, may personal na pinoproblema sa ngayon ang Duque ng Clarence kaya't hindi pa siya nitong maasikaso ng direkta. Tauhan palang niya ang nakausap nito pagkat talagang may importante raw itong inaasikaso sa ngayon.
Ngunit napa-back ground check na niya ang tungkol doon sa Duque at sa sitwasyon nito. Hindi rin nasayang ang punta niya roon pagkat nalaman naman na niya ang mga impormasyong dapat niyang malaman na alam niya magagamit rin niya sa hinaharap. Napangiti siya. Kapag nangyari lahat ayon sa plano niya, makukuha na niya ang lahat gusto niya.
Para sa kanya, maganda naring hindi kaagad niya nakaharap ang Duqueng briton. Sa oras na mangyari iyon, nais niya sanang napaghandaan na niya ang lahat para sa huli, wala ng magiging dahilan upang magka-problema pa siya. He could imagine that business transaction was going to be smooth as sailing. Sigurado na siyang hindi siya papalya kapag nagkataon.
He will give his ninang the land that he promised her. She have always been wanting to acquire that land for years now. Isa ang lupain na iyon sa pagmamay-ari ng Duque ng Clarence kaya't medyo pahirapan makausap lamang ang matandang duque pagkat noon ay hindi naman nito iyong ipinagbebenta. Ngunit isang araw ay bigla nalang siyang nakatanggap ng nakatawag mula sa broker ng duque at sinabing available na sa market ang lupain nito. Of course, he immediately grabbed that opportunity and flew to London right away.
BINABASA MO ANG
Flademian Monarchy 5: Dealing With Mr. Wright
RomantikAs the Middle child of a Duke, Being a second child means that he has no right over his father's dukedom or anything that comes along with it. He couldn't care less for he is the president of his own government. His dominance controls everyone that'...
