I

2K 42 1
                                        

"Mom, I said no! I will talk to Grandpa later. Ayaw ko munang umuwi diyan, 'wag niyo na akong kulitin!" Ganoon na lamang ang pagalma ni Phoebe nang tawagan siya ng kanyang ina.

Nais nitong umuwi na siya agad ng Flademia ngayon ngunit pa ayaw niya. Hindi pa iyon ang tamang panahon. Nasa kalagitnaan pa kasi siya ng pagtapos ng kanyang painting, ang kanyang huling pyesa para sa collection na iyon.

Balak kasi niyang i-exhibit ang kanyang mga gawa sa susunod na buwan sa London, kung saan maraming maaaring makadiskubre sa kanya at sa kanyang mga gawa. Ang problema lang ay wala pa siyang pera para roon. Kaya nga siya nasa Liverpool siya ngayon sa England, balak niyang humiram sa kanyang Lolo ng pera para doon. Lamang ay bumibwelo pa siya pagkat hindi agad niya masabi rito ang kailangan.

Nito kasing mga huli ay napapansin niyang namomroblema rin ang kanyang lolo. Hindi lang siya sigurado sa kung ano. Hindi tuloy siya makahanap ng tiyempo sa ngayon.

Her lolo was a very wealthy and influential man in all England. He was British Duke and Phoebe was confident enough to say that she was his favorite apo. Iyon lang ay matagal bago niya naranasan ang pagiging apo nito sa kanya pagkat kailan lang niya ito nakilala. It was a long story.

Her mother met his father then. And of course, the fell in love. Bagaman masasabing may pera ang kanyang ama ay hamak na isang dayo ito at walang aristokratikong istado sa bansang pinanggalingan nito. Sa makatutid, sa mata ng lolo niyang briton, walang kwenta ang kanyang ama at hindi nararapat para sa anak nito, ang kanyang ina.

Isang Flademian ang kanyang ama at hindi nanggaling sa marangal na pamilya. Isa lang itong 'commoner' bagaman isang matagumpay na negosyante. Malinaw na hindi iyon sapat para sa kanyang lolo kaya't ayaw nito sa kanyang ama.

Tumutol ang kanyang lolo sa relasyon ng kanyang mga magulang. Natural, lumayo ang kanyang ama't ina pagkat nais ng matandang paghiwalayin ang dalawa parin ang dalawa.

Kahit noong ipanganak na siya at tutol parin si Grandpa sa pagsasama ng kanyang mga magulang. Talagang hindi matanggap ng kanyang lolo ang kanyang ama. Hindi rin naman niya ito masisi pagkat wala siya sa lugar. Hindi niya alam ang naramdaman ng kanyang lolo nang iwan ito ng kanyang ina. Bahagya rin siyang naaawa rito pagkat simula noon, mag-isa na lamang ito at puro mga tauha nalang ng kanilang manor ang kasa-kasama nito. Matagal narin kasing pumanaw ang kanyang Grandma.

Ikinwento ng kanyang Grandpa ang lahat sa kanya dahil ayaw raw nitong magisip siya ng kung ano tungkol sa nangyari noon. Ipinaliwanag nitong inilayo siya ng mga magulang niya rito kaya ngayon lang ito nagiging lolo sa kanya. Siyempre, spoiled na spoiled siya rito. Madalas, ni hindi pa niya hinihiling ay naibigay na nito.

"Don't be stubborn and go home, now!" Giit pa ng kanyang ina.

"Mother, please! Kawawa na nga si Grandpa dito ay magisa, tapos gusto mo pa akong pauwiin agad. Ganoon na ba talaga kalaki ang galit mo sa kanya? At isa pa, may tinatapos pa akong painting. Hindi agad ako makakauwi."

"If you don't want to regret your stay there, you'll get the hell out of get as soon as possible. Hindi mo kilala ang lolo mo." Her mother warned her. Napansin ni Phoebe na may matinding pagaalala sa boses ng kanyang ina, gayun pa man ang kilala rin niya ito. Madalas ay nago-overreact lamang ito kahit pa sa maliit na bagay.

Hindi napigilang paikutin ni Phoebe ang mga mata. How typical of her mother. Lagi nalang siya nitong tinatakot na para bang isa siyang bata sa tuwing sinusuway niya ang kagustuhan nito. For goodness sake, she was of age now! Kaya na niyang gumawa ng desisyon para sa kanyang sarili.

Kaysa humaba pa ang kanilang usapan ay nagpaalam na siya sa kanyang ina. May tampo lang ito sa kanyang lolo kaya't nasasabi nito ang mga pananakot na iyon sa siyang hindi kapani-paniwala para sa kanya. Sobrang bait sa kanya ng kanyang lolo ay tiwala siyang hindi siya mapapahamak sa pananatili niya sa poder nito.

Flademian Monarchy 5: Dealing With Mr. WrightMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon