Prologue

2.5K 67 1
                                    

Prologue

Contentment ko na sa buhay na makita ang mga kaibigan kong ma-in love at magkaroon ng happily ever after. Siguro ito talaga ang role ko sa buhay, ang maging supportive bestfriend sa mga kaibigan kong may love life, ang maging abay sa kasal nila, at maging ninang sa mga anak nila. Kung bakit ba naman kasi maagang ikinasal ang dalawa kong kaibigan.

Minsan nagtatampo na nga ako kay Lord, eh. Kasi naman. Sa anong paraan pa at naging maganda ako kung wala man lang nagkakagusto sa akin? Are they intimidated by me? Hindi naman ako mataray, eh. Mukha lang. At marunong lang akong lumaban kapag naaapi.

Sabi ng bestfriend kong sina Moira at Aina, baka raw dahil sa bunganga ko. Oo aminado ako, minsan masakit talaga ako magsalita. In short, prangka. Bakit, ayaw ba ng mga lalaki ng gano'ng klaseng babae? Gusto ba nila 'yong malambing? Pino kung kumilos, at malumanay ang pananalita? Sorry pero hindi ako ganoon. Hindi ko pipiliting baguhin ang sarili ko para lang magka boyfriend. Kung hindi niya ako tanggap sa kung ano ang totoong ako, ibig sabihin ay hindi siya para sa akin.

Pero isang tao lang talaga ang sinisisi ko kung bakit hindi ako magka boyfriend, eh.

It was no other than, Lincoln Sevilla Hunt, o mas kilala bilang Linc. He was the best man of Duncan and Moira's wedding. The bestfriend slash cousin of my bestfriend's husband.

"Ang ingay mo!"

"What the fuck, Lian! Wala ka bang control sa pananalita mo?"

"Are you fucking with my eardrum? Gusto mo ba talaga akong mabingi?"

"I swear isinisumpa ko sa bato na hindi ka magkaka boyfriend dahil sa lakas ng boses mo!"

May sa mangkukulam 'ata ang lalaking 'yon dahil nagkatotoo ang sinabi niya! Nabu-buwesit talaga ako kapag naaalala ko siya! Kapag nakapag-asawa talaga ako, isasampal ko sa tisoy niyang mukha ang wedding invitation para ipamukha sa kanya na may mai-in love pa rin sa isang taklesang 'tulad ko!

Crossroads: Knotted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon