Chapter 6 - Pain in the A$$

1K 37 4
                                    

Chapter 6 – Pain in the A$$

I was awakened by a loud bang on my door. I was disoriented at nagtaka pa ako kung bakit ako nandito sa bahay namin pero agad ko namang naalala na kasama ko nga pala si Linc.

Isinuot ko ang robe at saka ko binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang pagmumukha ni Linc. Bagong ligo at nakasuot siya ng puting t-shirt na pakiramdam ko ay sobrang sarap niyang yakapin. He looks so fresh and handsome. For a moment ay nakalimutan kong ang dami niyang atraso sa akin at parang gusto ko na lamang siyang yakapin at matulog muli. Para ba siyang cozy haven.

"Still dreaming of me, sweetheart?" sabi niyang nakangisi.

Inaantok pa nga 'ata talaga ako dahil kung ano-anu na lang naisip ko.

"Bakit ba?! Ano kailangan mo?" inis kong singhal.

"Breakfast is served," nakangisi niya pa ring sabi kaya inirapan ko lang.

"Maliligo lang ako," sabi ko at tinalikuran ko siya.

"May surprise rin ako sa'yo," sabi niya kaya napalingon ako.

"Kung balak mong sirain ang araw ko, bahala ka! Simula nang makilala kita lagi mo namang sinisira ang buhay ko!" sabi ko at pabalabag kong sinara ang pinto.

I took a quick shower at nagsuot lang ako nang simpleng maong shorts and minie mouse tee. Pagbaba ko sa salas ay naririnig ko ang boses ni Mama sa dining table. Tapos bigla silang nagtawanan. Pero may isang tawa na medyo pamilyar sa akin ang kumuha nang attensyon ko. Nagmamadali akong pumuntang dining room at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko si Marco na kausap ang pamilya ko.

"Marco? What are you doing here?" I said astounded at the same time relieved na nandito siya.

"I took a late flight kahapon papunta rito. Sinundo kami ni Linc sa airport kagabi. Hindi na kita inabala kasi tulog ka na raw," sabi niya,

"Kami?" nagtataka kong tanong.

"Yeah. Me and my cousin Hannah,"

"And where is Hannah?" I ask dahil hindi ko naman iyon kilala.

"She's with Linc. Hindi ko naman kasi alam na ex pala ni Linc ang pinsan ko kaya nang magpumilit siya na sumama ay pumayag na ako," sagot niya pa.

"Kumain ka na, 'nak. Si Marco ang nagluto ng agahan natin. Chef pala siya, 'no?" sabi ni Mama at sobra akong nagpapasalamat dahil normal sila ngayon.

Nginitian ko lang siya at nagsimula akong kumain.

"What's out itinerary nga pala papuntang Caramoan? Sabi kasi ni Linc ikaw daw nakakaalam ng mga lakad nating dalawa," sabi niya.

"Hindi ba sila sasama?" tanong ko.

"Ayaw mo raw siyang isama, eh," natatawa niya pang sabi.

Mabuti naman at alam niya. Pero ito ba ang surpresa na sinasabi ni Linc? Bakit naman niya pinasunod si Marco?

Dahil wala kaming service papuntang Caramoan ay napilitan akong pumayag na gamitin ang pick-up truck ni Linc kaya kailangan niyang sumama.

Nakilala ko na rin ang pinsan ni Marco na si Hannah. She's too tame. Ang lambing ng boses at maganda. So mga ganitong babae pala talaga ang type ni Linc, huh?

Five days ang stay namin sa Caramoan. We're on our way nang magpa-reseve ako nang cottage for the four of us. Kukuha sana kami nang Villa kaso puno na raw dahil nandoon pala nagsho-shooting ang The Survival Challenge US.

"Ate Lian, nililigawan ka ba ni Kuya Marco?" tanong ni Hannah na nakaupo sa shotgun seat. Syempre mas gusto kong katabi si Marco, 'no.

"Ano...hindi, magkaibigan lang kami ni Marco," sabi ko at nagbaba ng tingin. Ano ba, Lian. Ngayon ka pa talaga nag-blush, ha?

Crossroads: Knotted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon