Chapter 7 - To Provoke a Man

1K 35 3
                                    

Chapter 7 – To Provoke a Man

"Miss, iyong island hopping ilan ang maximum pax ang kailangan?"

"Twenty passengers po ang maximum and two pax ang minimum," nakangiting sagot sa akin ng receptionist.

"Talaga? Puwede mo ba ako i-book. Pero para sa dalawa lang," I said almost whispering.

I am planning to go on an island with Marco. Why am I whispering? Kasi masyadong malaki ang tainga ni Linc. Malay ko ba kung mamaya malaman na naman niya ang plano ko at sirain pa niya.

"Whole day po ba, or half day lang?"

"Wala bang overnight?"

"Puwede naman po, Ma'am. Kaso hindi niyo na po ma-i-enjoy ang view. Tapos iyong cave po kasi morning 'til afternoon lang po open."

"Magkano ba kapag wholeday?"

"Seven thousand five hundred po kapag couple. Mas makaka-less po kayo kapag maraming kasama,"

"I'll take it!" agad kong sabi. "Book me for tomorrow."

I signed up a form at saka nagbayad.

This is our third day here in Caramoan. So far ay okay naman kahit lagi kaming magkakasama na apat. Oo, enjoy kapag marami pero syempre gusto ko naman ng alone time with Marco.

Nakangiti akong papunta sa cottage ko nang makasalubong ko si Hannah. She was wearing her black bikini topped with white see-through cloak.

"Saan ka galing, Ate?" she asked with casual high pitched tone.

"Ah, sa lobby. Ikaw, saan ka pupunta?" tanong ko rin.

"Wala nga, eh. Si Kuya Marco kasi wala sa cottage niya. Hindi ko rin alam kung saan si Linc. Wala rin kasing masyadong guest ngayon dahil hindi peak season."

"Mag bar tayo?" sabi ko at biglang nanlaki ang mata niya.

"Kuya Marco will kill me!"

"Sige na! Ako bahala sa Kuya mo," sabi ko at kumindat pa.

"Okay, okay!" excited niyang sabi.

Bumalik muna kaming cottage namin bago dumeretso sa bar. Gabi nag-o-open ang bar sa kabilang resort. Nagsuot lang ako nang high waist maong shorts at white crop top.

"Ate, sana pala dito na lang tayo nag check-in, 'no? Mas maraming tao dito, eh," sabi niya nang makapasok kami sa bar.

"Hindi ko kasi na-search sa internet ang resort na 'to. Iyong na-check-in-an kasi natin may online reservation kaya iyon ang kinuha ko,"

"Pero okay na rin. OMG! Ang daming guwapo!" she said giggling kaya natawa ako.

The bar is open. Parang kagaya lang sa boracay. The only difference is the people are less wild.

Una naming pinuntahan ang bar station. Agad kaming naupo sa stool. Wala pang gaanong nag-sasayaw sa dance floor dahil medyo mellow pa ang music. Everyone is enjoying their foods and liquors while chatting.

"Hindi ka ba pumupunta sa bar sa Manila?" tanong ko kay Hannah nang maka-order kami ng cocktail drinks.

"Hindi kasi ako pinapayagan ng parents ko. Sa totoo lang ay first time kong mag bakasyon na hindi kasama ang parents. Mabuti nga at napilit ko si Kuya Marco na isama ako," she said.

"Parang ang strict naman ng family mo," sabi ko.

"Super, Ate! Palibhasa family of politicians kami kaya dapat ingat kami sa mga galaw namin para iwas black propaganda."

Crossroads: Knotted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon