CROSSROADS SERIES #3
***
Contentment na sa buhay ni Lian ang makitang masaya ang kaniyang dalawang bestfriend sa buhay pag-ibig nito. Tanggap na rin niyang siya ang magiging constant ninang ng mga anak nito. She's ready to accept the fact na hindi s...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
February fourteen. The most loathsome day of the year.
Hindi ako bitter. Nakakainis lang kasi ang daming tao kaya hindi magkamayaw ang mga waiter pati sa kitchen.
What I hate is the complaints. Kapag kasi hindi na kaya ng mga supervisors, sa akin pinapasa ang pakikiusap sa customers. Sabi nga ni Aina, I have the talent to disregard the 'Customer is always right' saying. Kapag kasi alam kong hindi tama ang customer, ine-explain ko talaga 'yan. And luckily, napapa-agree ko ang customer.
"Miss Lian, may nagpapabigay po sa inyo."
Nagulat ako nang ilapag ng isa sa waiter ang boquet of roses at heart box na chocolates.
"Kanino galing?" nagtataka kong tanong.
"Hindi ko po alam, eh. Pinaabot lang naman po kasi ng isang messenger."
"Ah, ganoon ba? Sige salamat." Sabi ko at saka siya lumabas.
Kinuha ko ang boquet. Walang card. Kinuha ko naman ang chocolates at may nakadikit na notes do'n.
'Happy valentines, Ms. Manager.' –Marco
"Who is Marco?" I asked myself.
Binuksan ko ang heart box at mukhang mamahalin ito.
Hindi ko alam pero para akong kinilig. Matagal na rin kasi nang huli akong bigyan ng bulaklak at chocolates. College pa 'ata ako noon.
"Wow naman! Sino nagbigay?" halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang biglang pumasok sa office ang bestfriend ko.
"Bess! What are you doing here?" tanong ko.
"Bawal na ba kitang dalawin? Besides, it's valentines. Gusto kitang kasama," sabi niya at naupo sa tapat ng mesa.
Nagdududang tiningnan ko naman siya.
"Gusto mo akong makasama? Where's your husband?" tanong ko.
Haay. Nakakainggit talaga itong bestfriend ko. Kahit buntis ang sexy pa rin.
"Kasama ng tatlo. Sabi ko tayo muna magde-date tapos mamaya kami." Nakangiti niya pang sabi.
Dati noong college pa lang kami ni Moira, kami 'ata ang laging magkasama tuwing valentines. Oo at may mga naging boyfriend ako noon pero mas pinipili ko siyang samahan kesa sa boyfriend ko. Kahit nga noong naging boyfriend niya si father Ace noon, kami pa rin ang magkasama. Pero hindi na naman iyon nagagawa simula nang ikasal siya.
"Eh, bess, may trabaho ako, eh," sabi ko lang.
"Okay lang. Dito lang din ako," sabi niya at tumayo.
Kinuha niya ang heart shaped box na may lamang chocolate at agad na binasa ang note.
"Sinong Marco?" tanong niya at nagkibit-balikat lang ako.