CHAPTER 1 – LIFE OF A SINGLE
Ito ang nakakalungkot kapag mag-isa ka. Bahay-trabaho lang ang routine mo.
Oo nga at may Friday night out pero hindi ko naman maimbitahan ang dalawa kong kaibigan.
Si Moira ay may triplets at mahirap na silang ihandle ngayon dahil 3 years old na sila. Plus, two months pregnant din ang kaibigan ko sa totoong anak ni Duncan.
Si Aina naman ay kabuwanan na at ayaw ko naman siyang ma-stress pa. Baka awayin lang ako ni Lathe kapag nalaman niyang gusto kong isama mag night out si Aina. OA pa naman no'n kung minsan.
Bago ako umuwi sa apartment ay dumaan muna ako sa grocery store dahil wala nang stocks ang cupboard at ref ko. Ayaw ko pa naman nauubusan ng pagkain ang kusina. Ayaw na ayaw ko sa lahat ay 'yong nagugutom.
I was pushing the cart habang tumitingin-tingin ng puwedeng bilhing delata nang mag vibrate ang phone ko. It was a text from Moira.
"Bess, 911..."
Napakunot noo ako sa text niya. May problema ba? OMG! Manganganak na ba siya? Pero teka, dalawang buwan pa lang 'yon, eh. Don't tell me premature na naman? Possible pa bang mag survive ang baby kahit two months lang?
Dahil sa pag-aalala ay tinawagan ko siya.
"Hello, Lian—"
"Dinugo ka ba? Manganganak ka na ba? Where's Duncan? Saan ka ba?" I said very fast that even I can't catch up.
"Ha? Ano'ng pinagsasasabi mo diyan?" kalmado at halatang nagtataka nitong sabi kaya nakahinga ako ng maluwang. Okay, walang premature baby.
"Bakit ka nag 911?" tanong ko.
"Nagbe-bake kasi ako ng cookies. Nakalimutan ko kung butter or margarine ba ang ginagamit sa choco-peanut cookies? 'Di ba lagi kang gumagawa noon sa restaurant?" sabi niya.
"Mas healthy ang margarine pero mas masarap kapag butter. And hello, hindi ako gumagawa ng cookies sa restaurant, si Kuya Anjo 'yon," sabi ko at narinig ko ang tawa niya.
"Oo nga pala. Sorry naman, Manager!" she said jokingly kaya napailing na lang ako.
Dahil nga sa close na kami ng may-ari, Aina made me the new manager of the restaurant. Bale last year lang naman since Aina can't handle the same task as owner and manager. May kaunting responsibility din kasi siya sa hotel at madalas ay doon na rin siya.
Hindi na rin nakabalik pa sa restaurant si Moira dahil pinagawan siya ng coffee shop ni Duncan malapit lang sa hillside kung saan hilera ang mga food chain para sa mga mayayaman na tao. It was a high-end food avenue.
"Iyon lang ba kung bakit ka tumawag?" tanong ko pa.
"Yup. I think I'm going to use margarine para healthy sa tatlo lalo na kay Heaven, ang taba-taba na. Natatakot ako baka ma-obese ang batang 'yon," sabi niya pa.
"Hey! Baby Heaven is cute that way. Pero syempre kailangan niya pa ring maging healthy. Papayat din 'yan kapag lumaki na," sabi ko lang.
"Ewan ko lang. Kasi itong si Duncan panay ang uwi ng mga chocolates. Eh, si Sky ayaw na sa sweets. Si Cloud kung ano ang ibigay mo sa kanya ay 'yon lang ang kakainin. Pero itong si Heaven. Haay, takaw! Idagdag mo pa si Lolo Wiscon na kapag natutuwa kay Heaven ay bigay nang bigay ng kendi! Hindi na ako magtataka kung sira-sira ang ngipin nitong inaanak mo 'pag laki."
"Uy, grabe ka kay Heaven!" natatawa kong sabi. Narinig ko rin siyang tumawa sa kabilang linya.
"Teka, saan ka ba ngayon?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Crossroads: Knotted Hearts
ChickLitCROSSROADS SERIES #3 *** Contentment na sa buhay ni Lian ang makitang masaya ang kaniyang dalawang bestfriend sa buhay pag-ibig nito. Tanggap na rin niyang siya ang magiging constant ninang ng mga anak nito. She's ready to accept the fact na hindi s...