CHAPTER 4 - NUISANCE

1.1K 43 2
                                    

CHAPTER 4 – NUISANCE

Nakabalik na si Aina sa restaurant at pinayagan niya ako sa suggestion ni Moira na soul-searching ko kuno.

Iki-nuwento ko naman sa dalawa ang tungkol kay Marco and Aina is happy about it. Except my bestfriend.

"I don't like that Marco!" nakasimangot niyang sabi.

"Bess, I thought ba huwag maging mapili? Besides, ang guwapo niya kaya para mag-inarte pa ako!" sabi ko at lumabi sa kanya.

"But I like Linc for you!" she said as if may tantrums.

"What?! Okay ka lang talaga?!" hindi ko mapigilang hindi magtaas ng boses.

"Wait, are we talking about Linc—my cousin?" tanong ni Aina.

"Yes!" sagot ni Moira.

"Bess, we don't like each other. Pero kay Marco...kay Marco..." napahawak ako sa baba at parang nagde-daydream.

Kahapon sinundo niya ako at apartment at hinatid sa restaurant. Tapos sinundo niya pa ako pauwi. Tipid na sa gasolina, masaya pa ako.

"Ipakilala mo sa amin ang Marco na 'yan!" mataray na sabi ng bestfriend ko.

Iintindihin ko na lang siya since buntis.

"Kailan?" tanong ko.

"Aba! Malay ko sa schedule ng lalaking iyon! Mamaya ipakilala mo siya!" pagde-demand niya kaya napatango lang ako.

Kinuha ko ang phone ko at nag type ng message para kay Marco.

'Hi, are you busy mamaya? Gusto ka sanang ma-meet ng bestfriend ko. Is that okay with you?'

"Hayan, tinext ko na po," sabi ko.

"Moira, be nice to him," paalala ni Aina at tumango naman ako.

"Depends," sabi niya at ngumuso.

Hindi nagtagal ay nag-vibrate ang phone ko. Napangiti ako nang makita kong nagreply siya.

'Sure. I'll be there at 4. See you!'

"Oo daw. Alas-kuwatro nandito na siya." Sabi ko at tinanguan lang ako ni Moira.

Buong araw ay nasa office lang kaming tatlo. Walang gaanong diners kaya medyo relax ang restaurant.

Moira keeps on bugging me about the name she will give to her baby. Nakapa-ultrasound na raw kasi siya at babae ang next baby niya.

"How about you name her na may connection sa tatlo?" sabi ko.

"Star?" she asked.

"Puwede rin. Or Stella,"

"No. I like Star. And her name will be spelled as S-T-A-R-R-"

"Starr is cute,"

"Sana sa next-next baby ulit ni Duncan ay lalaki na para I can name him Dusk,"

"Dusk?"

"Yeah. Parang period after day but before night,"

"Then another baby ulit? Uubusin niyo ba ang heavenly bodies? Naku, kung ganoon ay ngayon pa lang magdasal ka na, na sana ay quadruplets iyan," natatawa kong sabi.

"Grabe ka naman," natatawa niyang sabi. "But I agreed to Duncan to give him three babies. You know the reason, right?"

Napatango ako. Although tinuturing na ni Duncan sina Sky, Heaven, at Cloud, bilang totoo niyang anak, ay gusto pa rin nito ng anak na galing sa kanya.

Crossroads: Knotted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon