CHAPTER 2 - Engr. Hunt

1.4K 51 11
                                    

CHAPTER 2 – Engr. Hunt

Puro tawa at pang-aasar lang ang inabot ko sa bestfriend ko nang sabihin ko sa kanya ang nangyari kahapon sa restaurant. Hanggang ngayon nabe-beast mode pa rin ako sa Lincoln na 'yon! Sukat ipaubos sa akin ang mga inorder niya. Kakabuwesit! 'Buti sana kung nagbayad siya. Pinalista niya pa sa tab niya. Ang yabang kuripot naman!

"Consider him," sabi ni Moira na ikinakunot ng noo ko.

"Consider him, how?" mabagal kong sabi.

"As your future husband. May chemistry kayo, bess!" sabi niya at napaubo ako ng malakas.

"Are you insane?! Chemistry is what? Substance? Chemicals? Kapag nasobrahan sasabog. Gano'n kami, bess. Sumasabog sa tuwing may interaction. Kaya please lang. Huwag mo na 'yan i-suggest dahil naalibadbaran ako!"

"And choosy mo kasi minsan, eh."

"Hindi ako choosy. Bakit, lahat ba nang mga naging boyfriend ko noon guwapo? Hindi, 'di ba? Kasi hindi ako tumitingin sa panlabas na anyo. Pero iba talaga ang level ni Lincoln!" asar na asar kong sabi at natawa naman siya ng tawa.

"Tatawanan na lang talaga kita kapag isang araw umamin ka sa akin na in love ka na kay Linc!" sabi niya at umismid lang ako.

"Ipupusta ko ang bank account ko, bess. Hindi ako mai-in love sa lalaking 'yon!"

"Well, prepare to be broke, my dear best friend, dahil mauubos ang ipon mo the moment na malaman kong talo ka!" she said with an evil laugh.

* * * *

Totoo pala na kung sino ang iniiwasan mo, 'yon pa talaga ang lagi mong makikita. Kung sino ang ayaw mong makausap, 'yon ang ipipilit sa'yo ng tadhana.

Kaya kahit wala akong choice, I need to call Linc to ask for his payments. Barya lang naman para sa kanya itong credits niya sa restaurant pero policy kasi ni Mr. Wiscon Sevilla na singilin ang pamilya kahit pa sila ang may-ari. At hindi puwedeng lumagpas ng isang buwan dahil kung hindi, hindi na puwedeng umulit.

Linc was working in the hotel as the hotel engineer. Oo, engineer ang lalaking 'yon. Hindi kapani-paniwala. Pero sabi sa akin ni Aina, may firm daw ito na real estate company dahil iyon ang original business ng father niya. Rich boy talaga.

Pero kuripot!

Tumawag ako sa hotel pero wala raw ito. Baka raw nasa kumpanya nito.

I have no choice but to ask Aina for his number. Ayaw ko naman ipatanong ni Moira kay Duncan. Aasarin na naman ako no'n.

"I'll just give you his cellphone number," sabi ni Aina nang tawagan ko siya. Hindi pa siya pumapasok dahil naka maternal leave pa rin siya.

"Wala bang office number? 'Yong sa firm niya?" tanong ko.

"Mas maganda kung number na niya para direct. Mahirap din kasi 'yon hagilapin, eh. Parang kiti-kiti."

"Siya, sige. Send mo na lang," sabi ko at saka tinapos ang tawag.

Hindi nagtagal ay may sinend na business card si Aina.

I saved his number but I was hesitant to call or text him. Baka isipin niya interesado ako sa kanya.

I made a mental note na huwag na siyang pautangin sa restaurant bago ko pinindot ang call.

"Who's this?" ani ng baritonong boses. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nagsitaasan ang balahibo ko sa batok. Ang suwabe ng boses niya.

Shit, Lian! Did you just say suwabe?!

"Hello? Sino 'to?" inip na inip nitong sabi.

"Uhh, good morning Engr. Hunt. This is from Sevilla's restaurant South branch; I would just like to inform you about your current bills in your tab. I already sent you the statement of account in your office at the hotel but your secretary said that you're out so I personally made the honor to call and inform you directly about it. Baka po kasi makalagpas kayo ng isang buwan malalaman po iyon ng management."

Crossroads: Knotted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon