Matagal-tagal na din nung tayo'y unang nagkakilala
Naaalala ko pa, sa eskwelahan pa nga 'yun di'ba?
Ikaw, naaalala mo pa ba?
O baka naman, kinalimutan mo na.Bakit ko nasabi?
Kasi 'di na tayo tulad ng dati.
'Yung tipong, lagi kang nasa aking tabi
Nangangakong, hindi mo ako iiwan kahit anong mangyari.Bakit nga ba tayo umabot sa puntong ito?
Ah, oo. Nag-away nga pala tayo.
At ang dahilan nito?
Nagmahal tayo ng parehong tao.Sinisi mo ako, sinisi din kita.
Nagsisishan tayong dalawa.
Hindi nagpapadaig sa isa't isa
Kaya ang resulta, tayo'y magkagalit na.Kahit magkatabi tayo sa upuan,
Hindi tayo nagpapansinan,
Hindi nagkikibuan hanggang mag-uwian,
Kaya nagtaka ang iba nating kaibigan.Araw-araw nag-iisip ako,
Kung lalapitan ba kita at sasabihing, "Bati na tayo."
Ngunit lagi akong wala sa tiyempo.
Kaya naisip kong, huwag na lang tuloy ito.Lumipas ang ilang araw, nakita kita.
Kasama mo ang lalaking minamahal nating dalawa.
Umusbong ang galit sa aking sistema
Kaya sinugod kita at sinabing, "Walanghiya ka!"Mas lalo akong nagalit sa'yo
Dahil hindi mo man lang nirespeto ang nararamdaman ko.
At talagang syinota mo pa 'yung taong
Sobrang mahal na mahal ko.Kaya nagdesisyon akong lumipat ng eskwelahan.
Kaysa araw-araw ko kayong makitang naglalampungan,
At harap-harapang sinasaktan
Ang puso kong, labis nang nahihirapan.Sana sa pag-alis kong ito, mawala na ang sakit.
Pati na rin ang nararamdaman kong galit.
Masyado na kasing masakit
Samahan mo pa ng lungkot at pait.Akala ko kasi maaayos pa, ang pagkakaibigan nating dalawa.
Ngunit dahil sa nangyari, mukhang malabo na.
Siguro masaya ka na, kasi nakuha mo na siya.
Ang hiling ko lang, sana magtagal kayong dalawa.Alam ko naman nung una, mahal mo na siya.
Ako lang itong si feelingera, na nakisabay pa.
Akala ko kasi matataob kita sa ganda
'Yun pala, mahal ka rin niya.Ngayon tanggap ko na,
Na kayo ang para sa isa't isa.
Bes, sorry, nasaktan kita.
Sana sa muli nating pagkikita, maibalik natin ang pagkakaibigan nating dalawa.
BINABASA MO ANG
The Journey Of My Words
PoetryA compilation of my own poems. All Rights Reserved © poempeyyy 2017