Mahal,
Oo alam kong wala na,
Dahil lumalayo na ang loob mo.
Sa tuwing nararamdaman ko ang pighating dulot nitoDi ko lubos maisip
Na sa tuwing sinasambit mo
Ang mga katagang "Mahal kita,"
Iba na pala ang laman ng puso mo.Madaling sabihin, mahirap gawin pero
Lagi ko pa ring hinihiling sa Kanya
Na muling maramdaman ito,
Ang totoong pag-ibig mo.Heto ako't naghihintay na muling maranasan
Ang mga yakap at halik mo.
Ang kaisa-isang taong minahal ko ng tunay.Ikaw, at wala nang iba
Ang puso ko'y nasa'yo simula pa no'ng umpisa
Ayoko mang umasa pero kasi, Mahal pa rin kita.Gusto kong sabihin na,
Sana di na lang kita nakilala ngunit,
Wala na akong magagawa pa.
Kahit nariyan ka,
Ang pagmamahal mo ay wala na.I tried my best. 🙏 Hope you like it!
-poempeyyy
BINABASA MO ANG
The Journey Of My Words
PoetryA compilation of my own poems. All Rights Reserved © poempeyyy 2017