"Ikaw lang"

17 4 1
                                    

Di ko akalaing, puso ko'y mabibihag mo.
No'ng una kasi di ako kumbinsido
Sa ugali at mukha mo.
At nagkamali nga ako. Isa ka palang mabuting tao.

Simula no'n, lagi mo na akong pinapahanga.
Ang mga talento mo ay talaga namang nakakamangha.
Kaya no'ng minsan, nasabi ko,
"Sana ikaw na nga."

Lagi kitang inaabangan.
Animo'y detective kung makamanman.
Gustung-gusto kitang mapuntahan.
Kaya lagi akong naghahanap ng paraan, makita ka lamang.

Ngunit makalipas ang tatlong taon, umalis ka.
Minsan na lang kita makita.
Noon lagi kitang sinusubaybayan, ngayon nawalan na ako ng gana.
Konting-konti na lang talaga, aayawan na kita.

Pero naisip ko, bakit kita aayawan?
Kung sa puso't isip ko'y ikaw lang ang laman?
Huwag kang mag-alala, di kita susukuan.
Kahit paminsan-minsan lang kita makita, lagi pa rin kitang susuportahan.

The Journey Of My WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon