"Nakakatakot na"

9 4 0
                                    

Minsan na akong nagmahal,
Ng taong akala ko'y panghabambuhay ko na.
Nagmahal ng taong,
Akala ko'y hindi ako iiwan mag-isa.

Ngunit lahat ng ito'y, akala ko lang pala.
Mga akalang, sa akin ay nag-paasa.
Mga akalang, sa akin ay nag-paniwala
Na ikaw at ako, ay para sa isa't isa.

Masakit pala sa damdamin
Ang malamang, hindi ka para sa akin.
Masakit palang isipin
Na ang kasiyahan, ay ipinagkait sa akin.

Masakit palang tumingin
Sa mga mata mong nagsasabing, ayaw mo na sa akin.
Masakit, masakit.
Napakasakit.

Para akong nakakita ng multo,
Sa tuwing pinapagalitan mo ako.
Gustung-gusto kong tumakbo,
Sa tuwing pinagbubuhatan mo ako ng kamay mo.

Palibhasa, sa'yo walang mawawala.
Kaya kung tratuhin mo ako, ay walang awa.
Ayoko na! Ayoko na!
Nakakatakot na!

Hindi ko na kayang ipaglaban pa ang relasyon nating dalawa.
Lalo pa't alam kong sumuko ka na.
Total ayaw mo na,
Ano pa ba'ng silbi, di'ba?

Sana, sa paglayo ng ating mga landas,
Ay makita mo na sa wakas,
Ang hinahanap mong kasiyahan na magpapaiwas,
Sa sakit na sa aki'y iyong dinanas.

Mahal pa rin kita.
Ngunit masaydong masakit na.
Ang makitang malungkot ang iyong mga mata,
Sa tuwing ako ang iyong  kasama.

Huwag ka nang mag-alala.
Dahil ngayon, binibitawan na kita.
Inaamin ko, masakit ang iyong pag-alis.
Subalit alam kong 'yan ang iyong nais.

Paalam na aking sinta.
Landas sana nati'y hindi na magkita.
Ayoko na kasing maalala pa
Ang mga panahon, no'ng tayo pang dalawa.

Ang tanging hiling ko lang sa Kanya,
Ay huwag niya akong pababayaang mag-isa.
Dahil ang pagiging mag-isa,
Ay nakakatakot na.

The Journey Of My WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon