Katotohanan
Oo, ngumingiti ako.
Oo, nagsasaya ako.
Oo, naglilibang ako.
Pero ang totoo? Tinatago ko lang ang nararamdaman ko.
Bakit ko tinatago? Kasi wala naman silang pakialam.
Walang gustong makaalam sa sakit na aking nararamdaman.
Sakit na dulot ng aking pag-aasam
Pag-aasam na mabigyang pansin ng mga taong aking pinahahalagahan.
Masakit. Masakit isipin na marami akong kaibigan, pero
Simula't sapul, walang totoo sa kanila, alam ko.
Walang totoo kasi kinaibigan lang nila ako dahil ako raw ay matalino
Saklap, di'ba? Ganyan kasakit ang katotohanan, nakaka-gago.
Facebook friends? Mayro'n din ako niyan.
Pero mas lalong ang mga 'yan ang hindi ka ituturing na kaibigan.
Nagkalat na ang mga poser kahit saan
Kaya minsan ko lang sila kung kausapin dahil hindi ko naman sila kailangan.
Oo, masakit ang mga salitang binibitawan ko
Pero anong magagawa ko kung 'yan ang katotohanang nasa isip ko?
Lahat 'yan nakatago sa mga ngiting ipinapakita ko
Sa sayang nadarama ko sa tuwing kasama ko ang mga taong hindi ko pinagkakatiwalaan ng todo.
Duwag ako, 'yan talaga ang katotohanan.
Duwag ako dahil ayokong masaktan.
Ayokong makita ang sarili kong umiiyak at nahihirapan
Dahil lamang sa pag-iisip ko sa mga katotohanang wala namang katuturan.
BINABASA MO ANG
The Journey Of My Words
PoetryA compilation of my own poems. All Rights Reserved © poempeyyy 2017