Dahil hindi pa rin ako maka-move on sa pagsulat ng Reverse Poetry at sa I Love You Since 1892, heto at magsusulat muli ako. Sana magustuhan niyo. Lalo na kay miss author UndeniablyGorgeous hope you'll like it po! 😊
Juanito,
Mula nang makilala kita,
Ang puso kong nag-iisa ay sinakop mo na.
Di ko inaasahan na
Mamahalin pala kita ng lubos.Dahil sa mga kalokohan mo
Nahulog ang loob ko.
Sa mga simpleng bagay na ginagawa mo
Kumakabog na ang puso ko.Sa tuwing malapit ka sa akin
Puso ko'y nagsusumamo.
Ayoko nang matapos 'to
Kahit alam kong hindi pwede.Nang malaman ko ang totoo
Na magkaiba tayo ng mundo
Alam ko na,
Hindi na tayo magkakasama pa.Dahil sa isang misyon
Walang magiging tayo.
Walang Carmela at Juanito sa taong 2016 o 1892
Kahit kailan hindi talaga pwede ang relasyong 'to.Gusto ko nang bumitaw
Pero ang puso ko'y sinisigaw pa rin ang pangalan mo
Iwasan ko man ang nararamdaman ko
Minamahal pa rin kita, sinta ko.Sa lahat ng nangyari sa ating dalawa
Nagpapasalamat pa rin ako dahil nakilala kita
Magkalayo man tayo ng landas
Pangako, ikaw lang ang mamahalin ko.Sa paglipas ng panahon
Mga alaala nati'y babalikan ko
Kahit sa'n man ako mapunta
Pagmamahal mo'y babaunin koSalamat at nakilala ko ang isang katulad mo
Kahit kailan di ako nagsisi na sa taong 1892 lang tayo nagkatagpo
Magkikita tayong muli at
Hihintayin kita, aking mahal,Carmela.
BINABASA MO ANG
The Journey Of My Words
PoetryA compilation of my own poems. All Rights Reserved © poempeyyy 2017