"Wikang Filipino"

21 4 0
                                    

 Wikang Filipino, Wikang Pambansa
Ito ang dapat nating ginagamit na salita
Kahit nasaang parte ka man ng bansa
Filipino pa rin ang malimit na iwiniwika.

Wikang Filipino, Wikang mapagbago
Pinagkakaisa nito tayong mga Pilipino
Waray ka man o Cebuano
Nagkakaintindihan pa rin tayo dahil sa wikang ito.

Wikang Filipino, wika nating lahat
Maputi man o kayumanggi ang iyong balat
At kahit iba-iba man tayo ng pangkat
Iisa lang ang wikang ating isinisiwalat. 

Wikang Filipino, ating tangkilikin
Dahil ito ay isa sa mga kayamanan natin
Huwag ikahiya itong bigkasin
Bagkus ay atin itong mahalin.


#BuwanNgWika2017

The Journey Of My WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon