Three

3 0 0
                                    

Nung dumating kami sa condo unit ni Dy, ine-expect ko talagang magpapa-interview na siya at pagkatapos nun ay pauuwiin niya na ako. Pero God! Inutusan pa akong maglinis! Wala ba siyang yaya? Sayang naman ang pera niya kung itatago niya na lang sa bulsa niya. Sobrang kuripot!

"Dy? Pwede na ba akong umuwi?" Tanong ko ng matapos akong maglinis. Pagod na pagod na ako. Gusto ko ng matulog. Gabi narin kasi. Magpapa-schedule na lang ako kung kelan ko siya pwedeng  interview-hin. Kung pwede nga lang na dito na lang ako sa condo niya magpalipas ng gabi eh. Para bukas, trabaho agad! Pero asa naman ako, di ba? Wala kayang puso ang lalakeng yun. 0.1% ang tiyansang patutuluyin niya ako rito ngayong gabi. Tsk. Tsk.

"No." Tipid niyang sagot. Ni hindi man lang ako nilingon.

Yamot na nilapitan ko siya.

"But why? Patutulugin mo ba ako dito? Gabi na kasi eh!"
Nakakaasar na siya. Di porke't kailangan ko siya ay may karapatan na siyang alilain ako. Ang kapal talaga ng mukha niya. Sobra! Nakakagigil siya! Hays!

Nangunot ang noo niya at tiningnan ang ka-kyutan ng mukha ko. Kyut na lang. Masakit umasa. Amp.

"Yeah. Sa CR ka matutulog." Nakangising sagot ni Dy.

Napanguso ako. Ang sayang naman! Akala ko pa naman patutulugin niya ako sa kuwarto niya tapos sa labas lang siya. Di bale na nga lang. Sanay naman na ako eh! Nung bata pa kasi ako, sa tuwing gumagawa ako ng kadiyablohan, pinapatulog ako ni Tatang sa CR. Tapos hangga't di raw ako nagsisisi sa ginawa ko, di niya raw ako pababalikin sa kuwarto ko. Kaya ayun, medyo nasanay narin ako. Hehe.

"Ok. Good night na, Dy. Maaga pa tayo bukas." Mas lalong kumunot ang noo ni Dy.

"May interview ka pa bukas, remember? *yawn* Good night na talaga. Pahiram ng unan at kumot ah? Antok na talaga ako."

Napagod siguro talaga ako sa paglilinis. 'SOBRANG' linis ba naman ng condo niya. *insert sarcasm* Feeling ko talaga sinadya niya yun eh. Kanina kasi sobrang linis nun eh. Ang sama niya talaga.

"W-wait—"

"Kung nag-aalala ka sakin, ayos lang talaga ako, Dy."

Anong akala niya sakin? Never akong matatakot sa CR na yan! CR kaya ang una kong nasilayan nung iniluwal ako ni Nanang. Di na kasi kinaya ni Nanang ang kakulitan ko eh. Masyado daw akong excited na lumabas. Hihi.

"Seriously?" Di makapaniwalang sambit ni Dy.

Tumango-tango ako.

"Oo naman, Dy!" Pero deep inside talaga mas gusto kong matulog sa kama niya. Hehe.
Tinalikuran ko na siya at nagsimulang tinungo ang banyo ng pigilan uli ako ni Dy.

"Ano na naman?!" Yamot kong tanong. Naman eh! Inaantok na ako. 

"I-I was just kidding. Dun ka na sa kuwarto ko matulog."

Biglang nagliwanag ang buong mukha ko.

"Talaga, Dy?!"

Tumango ito.

"Waah! Yey! Good night, Dy! Mwah! Halabyu!"  Tuwang-tuwa kong sabi bago tinungo ang kuwarto ni Dy.

***

Naalimpungatan ako ng makarinig ng sunod-sunod na katok. Naman eh! Antok pa ako!

"Nanang, 5 minutes pa! Antok pa ko!" Inaantok kong sigaw. Ni hindi ko idinilat ang mga mata ko. Ang bigat ng pakiramdam ko. Pati narin ang katawan ko. Nakaramdam ako ng matigas na bagay na pumupulupot sa binti ko. Nakakakiliti. Hinayaan ko na lang. Baka si Botchok lang yan. Ang alaga kong aso.

*TOK! *TOK! *TOK!

"'NU BA?! MAYA NA PO!" Naririndi ko ng sigaw. Istorbo eh! Wala naman akong trabaho ngayon eh------TEKA?! TRABAHO?!

Napabalikwas ako ng bangon pero agad ding  napahiga ulit dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sakin. Nanlaki ang mga mata ko.

Nasan ako?!
At sino 'tong katabi ko?! ------KATABI?!

"ahhhh-----mmmm!!!"
Di ko na naituloy ang balak kong pagsigaw  ng biglang may malaking  kamay na tumakip sa bunganga ko.

Hindeeee!!

"Shit! Don't shout!" 

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko.

Si Dy?! Bakit ko siya katabi?!
Anong ginawa niya sakin?!
At bakit wala siyang damit?!

Teka? Tiningnan ko ang sarili ko at nahimasmasan ng mapansing kompleto parin ang suot ko.

Pero----kahit na! May kasalanan parin siya! Tumabi siya sakin buong magdamag!

Buong lakas ko siyang tinulak at kumalas sa pagkakahawak niya sakin.

"I-ikaw?! A-anong ginawa mo sakin?!"

"Ouch! Damn it! Bakit mo ako tinulak?!" Galit nitong sigaw.

Siya pa ngayon ang galit?! Ako dapat ang magalit! Pinagsamantalahan niya ako. Napaka-walangya niya talaga!

"B-bakit tayo m-magkatabi?!" Tanong ko ulit.

"Look----"

*Tok! Tok! Tok!*

Aish! Istorbo! Kitang nagtatanong pa 'ko eh!

"Damn!"

Nagmamadaling kinuha ni Dy ang kumot at tinapon sakin.

"Umalis ka na. I mean—magtago ka! Faster!" Utos nito.
Di ko siya sinunod. Bakit naman ako magtatago? Siya dapat ang magtago kasi siya ang may kasalanan!

"Just do it. Kung ayaw mong mawalan ng trabaho." Seryoso niyang sabi.

Tiningnan ko siya ng masama. Kahit labag sa loob ko, sinunod ko na lang din siya. Pero medyo nalilito parin ako.

Si Dy naman kasi eh!

Ayokong mawalan ng trabaho. Sa katayuan ng buhay ni Dy, kayang-kaya niya akong tanggalan ng trabaho. No way talaga! Bago pa lang ako sa trabaho ko tapos matatanggal na agad?! Ang saklap naman nun! Justice please!

"Dwight?! Open this goddamn door! May kasama ka ba jan?! Bakit ang ingay—"

Yun lang ang narinig ko bago tumahimik ang buong paligid.
Nagtaka naman ako. Bakit ang tahimik? Bahagya kong iniawang ang pinto ng aparador at sinilip kung ano ang nangyari kay Dy.

Ganun na lamang ang pagkabigla ko ng makita ko silang ----------- OH MY GOD! Kaagad kong tinakpan ang mata ko but it was too late for me to cover it. Nakita ko na kung ano ang ginagawa nila!

Pakingteyp!

SI DY AT SI UNKNOWN GIRL!
NAGHAHALIKAN!

Deeyym. I'm gonna die.

The CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon