Six

3 0 0
                                    

"Uy , Bes? Kanina ka pa tulaley ah? What's bothering you ba?" Maarteng tanong ng baklang si Lia habang inaayos ang magulo kong buhok. Di ko na naman nasuklay. Kawawa naman. Haaaay.

Umiling lang ako. "Wala lang 'to, Bergillio."

"Wala daw pero tulaley! And please! It's Lia not Bergillio!"

"Umaga pa naman eh. Kaya si Bergillio ka muna," Nakalabi kong sabi.

"Wuuy! Naku! Pasalamat ka talaga cute ang feslak mo kundi sinabunutan na kita!" Pinandilatan pa ako ng bakla.

"Bakit di pa ba?" Nangunot ang noo nito. Ngumuso naman ako at tinuro ang buhok kong hawak hawak niya na kulang na lang humiwalay sa ulo ko.

"Ah basta! Its Lia! L-I-A. Piryud!—" Di na niya natapos ang nakakagigil niyang speech ng batukan siya ni Summer upang patigilin.

"Ouch!"

"Walangya ka bakla! Di ka nakakatulong kay Bessy eh!" Tiningnan ako nito. "Ano ba ang nangyayari sayo, bes? Kanina ka pa wala sa sarili mo ah."

Umiling uli ako.

Ayokong sabihin. Baka pagtawanan lang nila ako.

"Ay ang taray ni Ateng! Ayaw mag-share!" Bulalas ni Lia kaya nabatukan uli siya.

"Aray ha! Kanina ka pa!"

"Tumahimik ka nga!"

Napakutkot ako sa sariling kuko.
Tiyak na magsisimula na naman silang mag-away.

"Malandi!"

"Kadiri ka! Ang baho ng panty mo!"

"Sino kaya sa ating dalawa ang may mabahong itim na brief sa cabinet?! Ha?? Ako ba?! Bergillio ka talaga!"

"Hoy! Sa boylet ko yun! Baka ikaw! May color pink na underwear sa kusina! Naku. Naku. Naku. Bruha ka!"

Bago pa man kami pagtinginan ng mga tao dito sa plaza mas minabuti ko na lang na iwanan ang dalawa at naglakad lakad palayo.

Aba? Bahala na sila jan sa bangayan nilang walang kwenta! Pati panty at brief pinag aawayan. Nakakagigil din minsan.

Anyways...

Bakit nga ba ako tulala?

Di ko rin alam.

Di talaga.

Hindi nga.

Kanina nga sa office binulyawan ako ng boss namin eh. Bigyan ko ba naman siya ng mga copies na gutay-gutay! Malay ko ba. Eh sa pre-occupied ang isipan ko kanina eh. Paulit-ulit na lang na nag-e-echo yung boses ni Insan na 'In love daw kunu ako' . Tongono lang. Perstaym to teh. Perstaym! Hayst!

The CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon