chapter 7

7 2 2
                                    

Zeina's Pov

Kalahating minuto na ang nakakalipas mula nung nangyari kanina ...

Nakaluhod parin yung lalaki at nakatulala lamang ...

Kaming dalawa ni zach nanatili lang na tahimik...

Nagulat naman ako ng biglang tumayo yung matabang lalaki actually hindi naman siya mataba talaga ..chubby lang tapos cute ..maputi pa...

Tapos pinunasan ang natitira niyang luha sa pisngi...

Nanunuod lang si zach habang nakasandal sa may gilid ng kotse tapos ang kanyang kamay ay nasa loob ng bulsa niya...

Hayyysss...

Buong ingat na Binuhat nung lalaki yung bangkay ng kanyang girlfriend at inilagay sa may gilid ng kalsada...

Hinalikan muna nung lalaki sa noo ang kanyang gf at Agad na hinubad nang kanyang suot na jacket at itinakip sa mukha nung bangkay ...

Kahit hanggang dulo mahal niya parin si girl...

Naglakad naman siya papalapit sa amin...

Nagulat nalang ako ng bigla niyang sinuntok si zach

"Fuck..Para saan yun" tanong niya dun sa lalaki habang nakahawak sa pisngi kung saan siya nasuntok..

"Gusto ko lang magpasalamat" nakangiting sabi nung lalaki...

Agad namang sinuntok ni zach yung lalaki ...

"Para saan naman yun" tanong ni kuya chubby boy kay zach habang nakangiwi ...

Alam kong masyadong malakas ang suntok na yun ..

"Para sa pagtanggap ko ng salamat mo" nakangising sagot ni zach...

"Hercules ang poging anak ni zeus" pagpapakilala niya sa amin habang nakalahad yung kamay niya...

Hanuu daw pati ang mga greek god dinamay ...

"Zach ang gwapong nilalang ng mga diyos ng diyos" mayabang niyang pagmamalaki..

Ay shit babagyo na ata dahil sa kahanginan ng dalawang ito...

Napailing na lang ako...

"Ikaw miss"

"Im jade..tapos yung dalawang bata sa loob ng kotse ay ang kapatid kong si zera at ang ampon kong si kei.." pagpapakilala ko

"Nice to meet you miss beautiful"sabay kindat niyang sabi sa akin..

Ang landee ..kamamatay lang ng gf niya kanina kanina lang lumalandi na ...

"Hercules pare ..wala namang ganyanan ako nauna diyan" rinig kong bulong ni zach sa anak daw ni zeus..habang nakaakbay ...

"Andyan na sila" tawag pansin kong sabi sa kanila ...

Nagtatawanan kasi ...

Nalimutan ata ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon...

"Atras muna tayo" suggest ko

Tinatamad pa ako..

"Bakit... gusto kong maghiganti" sabi ni hercules habang pinapaputok ang kanyang daliri. ...

Kahit madilim kitang kita ang mga zombie na papalapit sa amin...dahil sa maliwanag na buwan ...

"Ikaw bahala"sabay talikod kong sabi sa kanya at sumakay na ng sasakyan ...umupo ako sa may backseat at pinanood lang sa likod ang dalawa...

Living Of The DeadWhere stories live. Discover now