chapter 8

15 5 19
                                    

Zeina's Pov
Kanina pa kami ikot ng ikot sa kakahuyang ito dahil naghahanap kami ng pagkain ...

"Ate im hungry na po" sabi sakin ng kapatid ko

"Ako din ate" sabi naman ni kei

"Konting tiis lang kids huh naghahanap pa kasi sila kuya zach ninyo ng mapagkukuhaan ng pagkain" sabi ko naman sa kanila

Tumango lang silang dalawa at naglaro nalang ng kanilang mga gadgets ...

Napatingin naman ako sa babaeng nasa likod ko na mahimbing na natutulog ...

Lalo lang uminit ang ulo ko sa tuwing nakikita ko ang babaeng ito ..

Sobrang kapal ng pagmumukha kainin ba naman lahat ng pagkain namin sa loob ng kotse...

Hindi man lang naisip na magtira para samin...

Argghh nakakainis..

"Kung nakakamatay lang ang titig baka kanina pa patay si celine" nakakalokong sabi sakin ni hercules

"Che huwag mo kong binabadtrip " mataray kong sagot

"Doon tayo" turo ni zach samin ..

Sa wakas may nakita na kaming grocery store ...

Pinarada ni zach ang sasakyan sa harap ng grocery...

"Tara" aya niya saamin

"Sama ako" sagot naman ni celine

Aba nagising din ang babaeng makapal ang mukha ..

Tinaasan ko lang siya ng kilay ..

"Hercules ikaw nalang magbantay sa mga bata at sa kotse...mahirap na" utos ni zach kay hercules ..

Tanging tango lang ang sinagot ni hercules at lumipat na sa may driverseat pagkababa ni zach..

"Ingat kayo ate" sabi ni kei sakin

Tanging tango at ngiti lang ang sinagot sa kanya ...

Pagkababang pagkababa ko bumungad na sakin ang magulong lugar...

Mga kotseng nakabukas ang pinto at walang tao ..mga papel at plastic na nagliliparan dahil sa hangin ..

At ang sobrang tahimik na lugar na lalong nagpapabilis ng tibok ng puso ko ..

Hinawakan ko ng mahigpit ang bag na paglalagyan ng mga kakailanganin namin...

Nasa unahan ko lang si zach habang hawak hawak ang kayang baril habang si celine naman ay prenteng naglalakad...

Nakakainis...

Dahan dahan binuksan ni zach ang pinto ng grocery at chineck niya muna ito kung may zombie ba ...

Sumensyas naman siya samin na pumasok na..ibig sabihin safe ...

Pumasok na ako sa loob at pinaglalagay na ang mga kakailanganin namin..

Canned foods, water bottled, breads,junkfoods, biscuits, med kit etc..

Dinamihan ko na ang mga pagkain lalo na garapal ang kasama namin...

Sabay tingin sa babaeng walang ginawa kundi ang sumunod ng sumunod kay zach...

Nilagay ko nalang sa malapit sa pinto ang bag na napupuno ko ng pagkain habang si zach naman ay binubuhat niya ang mga ito sa may papuntang sasakyan...

"Ahhhhh help" napalingon ako sa babaeng sumisigaw malapit sa may counter ng grocery ..

Shit ..

Living Of The DeadWhere stories live. Discover now