chapter 9

5 2 0
                                        

Zeina's Pov

Dalawang araw na mula nangyari ang insedente at habang tumatagal lalo akong nagaalala sa kapatid ko

Baka kung ano nangyari sa kanila

Syempre okay lang mamatay si celine huwag lang ang mga kasama ko

Napatigil ako sa pagiisip ng marinig kong sumigaw si mitch

Agad akong tumakbo kung nasaan sila

"anong nangyayari" tanong ko sa kanila

"galing ako sa labas at may nakuha akong mga impormasyon" paliwanag niya

"bakit mo kailangan sumigaw" tanong naman ni marc

"syempre para maagaw ko atensyon ninyo" sagot naman niya

"ano nakuha mong impormasyon at paano" tanong ko sa kanya

"kanina nung lumabas ako sa bahay may dalawang zombie mahina lang naman sila kaya napatay ko agad tapos sakto naman may dalang maliit na device para siyang telepono tapos may tumatawag sa telepono so sinagot ko"

"anong sabi" tanong naman ni jess

"wait patapusin mo muna ako okay, syempre nagpakilala ako tapos nagpakilala rin siya sakin nalaman ko na siya si Dr. Morgan nais niya daw matapos na ang kaguluhang ito kaya naghahanap pa siya ng mga taong hindj pa nagiging zombie, binigay niya rin sa akin kung nasaan siyang lokasyon at ang base niya ay talagang safe dahil madaming mga army na galing pang ibang bansa para tumulong" mahaba niyang paliwanag

"paano ka naman makakasigurado kung totoo yan sa panahon ngayon mahirap na magtiwala" sagot naman ni marc

Para sakin may tama siya pero paano namin malalaman kung hindi naman susubukan tsaka isa pa baka ito na yung time para mahanap ko rin ang kapatid ko

"pwedeng patingin yung lokasyon" sabi ko

"huwag mong sabihin na naniniwala ka" tanong jess

"wala naman masama kung magbabakasakali hindi pa tsaka kailangan ko na hanapin ang kapatid ko" paliwanag ko sakanila

Agad kong tiningnan ang lokasyon na binigay sakin ni mitch

"baguio" basa ko

"pupunta ako" sabi ko sa kanila

"sama ako sayo" biglang sabi sa akin ni rose

"baby hindi ka sasama" angal naman ni marc sa kanya

"no sasama ako baka ito na yung time para matigil na ito madami na ang namamatay hindi habang buhay dito lang tayo mauubusan din tayo ng mga needs natin" paliwanag naman niya

"ako din sasama ako" taas kamay na sabi ni mitch

"tutulungan kitang mahanap ang mga kasama mo" sagot naman ni jess

"salamat sa inyo" maluha luha kong sagot kahit na kakakilala palamang namin ganito na agad nila ako tratuhin

"hayss ano pa ba magagawa ko sige na maghanda na tayo" sabay talikod na sabi ni marc

Agad naman siyang sinundan ni rose
At yumakap

"thankyou baby" tanging yun lang ang narinig kong paguusap nila dahil pumasok na sila sa silid nila para maghanda

Im so happy na nakilala ko sila

This is it malaki ang chance na humingi din ako ng tulong sa mga army kung hindi ko mahahanap ang kapatid ko.

-----itutuloy----
3/3/19

Living Of The DeadWhere stories live. Discover now