chapter 10

7 1 0
                                    

Zeina's POV

Alasingko ng umaga agad kaming bumyahe si marc ang nagdadrive habang nasa kanyang tabi naman si rose na natutulog at kami namang tatlo ay nasa backseat..

Nasa cavite pala kami kung kaya't puro puno ang nadadaanan mahirap din ito dahil narin sa hindi namin agad nakikita kung saan ang mga zombie kaya doble ingat din

Nagising nalang ako dahil sa mabagal na pagandar ng sasakyan

"anong problema" tanong ko

"madaming sagabal sa daan" sagot ni marc

Agad akong tumingin sa harapan at dun ko nakita na sobrang daming sasakyan nakatigil sa aming dinadaanan

Tumigil narin ang sasakyan namin dahil narin sa dalawang sasakyan na nakahara sa kalsada

Malapit na kaming makapasok papuntang manila

"paano yan" tanong ni rose kay marc

"sino ang magtatanggal niyan" tanong ni jess sa amin

"ganito nalang marunong kaba magdrive" tanong sakin ni mich

Tumango lamang ako

"tara tanggalin natin ang isang sasakyan para makadaan tayo" suhestiyon niya

Tiningnan ko muna ang buong paligid bago ako bumaba

Tanging mabahong amoy at maduming kalat sa paligid ang makikita mo

"ako look out mo" sabi niya sakin

hinawakan ko naman ng mahigpit ang katana na dala ko, habang siya naman ay dala ang maliit na baril berreta m9 ata ang tawag dun

Agad akong lumapit sa isang pulang kotse na nakahara sa daan

Binuksan ko agad ang pinto nito at agad na may nahulog na bangkay

Napakabahong amoy ang tumambad saamin

Agad kong chineck ang loob ng kotse at ng masiguradong ayos na agad kong sinenyasan sila

"tara" tawag pansin ko kay mitch

Mabuti nalamang at nandito pa ang susi at may gasulina pa ang sasakyan

Agad akong umupo sa driver seat habang si mitch naman ay nasa kabilang pinto at binabantayan ang paligid

Inistart ko na ang kotse ngunit ang kamalasan ayaw gumana

"ayaw parin b" tanong sakin ni mitch
"ayaw magstart" sagot ko

"bilisan mo ang dami nila" nagaalala niyang sabi sakin

Agad akong napatingin sa side mirror ng kotse at dun ko nakita ang mga zombie na papalapit sa amin

Lalo akong natataranta

Malalakas na putok ng baril ang naririnig ko na lalong nagpalakas ng tibok ng puso ko

Shit ayaw talaga

Malakas narin bumubusina ang sasakyan na sinasakyan nila marc

Napepressure ako

"Shit magstart kana" napapahilamos kong sabi

"wala na akong bala" sigaw sakin ni mich

"malapit na sila sa atin" sabi pa niya

Agad narin siyang pumasok sa loob ng kotse kahit hindi pa ito nagsstart

Tanging kalampagan ng mga zombie na nakapalibot sa amin ang naririnig ko at tanging pagsigaw ni mitch

At sa wakas nagstart na ang kotse

Living Of The DeadWhere stories live. Discover now