Zeina's POV
Gusto kong makapatay ngayon dahil sa tindi ng galit ko
Nagderetso ako salabas para hanapin si celine
Napatigil ako sa aking paglalakad ng isang malakas na sigaw ang narinig ko
Agad kong hinanap kung saan galing yun
Nakarating ako sa isang bodega na luma ito yung bodega na natanaw ko sa bintana, mula sa kwarto kung saan natulog ang kapatid ko
Dahan dahan akong naglakad hanggang sa nakarating ako sa bukana ng pintuan
Malalakas na sigaw at halakhak ang naririnig ko mahigpit kong hinawakan ang dala kong katana
Tanging liwanag lang sa labas ang nagbibigay sa loob ng ilaw
Nang makapasok ako sa loob isang pigura ng nakatalikod na babae ang tumambad sakin habang may hawak siyang latigo
"sumigaw kapa hindi ba at matapang ka" sigaw niya
Hinanap ng aking mata kung ano ba ang ginagawa niya at sino ang kausap niya
Muli niyang hinampas ang babaeng nakatali sa poste ng bodega...
"tama na hindi ko na kaya parang awa mo na" ramdam ko ang paghihirap nung babaeng nakatali kahit na bulong ang pagkakasabi nito
"yan ang gusto ko sa mga tao nagmamakaawa" tawa nung babae
Bago pa niya ulit pahirapan yung babaeng nakatali pinigilan ko na siya
"ituloy mo, para mauna kana sa babaeng yan" madiin konng pagkakasabi sa kanya
Dahan dahan naman siyang humarap sa akin nang nakangisi
Laking gulat ko na lamang na siya ang ina ni celine
"ze-zeina" sabi naman nung babae na nakatali
"jess" bulong ko
Tumambad sa harapan ko ang duguan niyang katawan na walang saplot at nang ilibot ko pa ang aking paningin ganun nalamang ang paninindig ng balahibo ko sari saring katawan ang nakabitin sa loob ng bodega ang iba ay inuuod na at nilalangaw at ang iba naman ay wala na ang ibang parte ng katawan
"ikaw anong ginawa mo sa kanila" sigaw ko sa nanay ni celine
"hahahaha welcome to my world" natutuwa niyang sabi
Hindi man lang siya natinag sa nakaambang espada sa kanyang leeg
"ang saya saya nilang panoorin ang saya saya nilang pakinggan bawat sigaw bawat paghihirap at bawat pagmamakaawa nila ang sarap sa pandinig na parang isang musika" nakapikit niya pa itong sinasabi sakin na parang damang dama
Walang halong takot ang nakikita sa kanyang mga mata
Hinawakan niya ang aking espada at dahil dito dumugo ang kanyang kamay hindi niya man lang ito ininda
"alam mo ba ang kapatid mo" putol na sabi niya
"ikaw ang may gawa sa kapatid ko pinahirapan mo siya" galit kong sabi sa kanya ng makumpirma ko na siya ang may gawa sa mga pasa at sugat sa kapatid ko
"oo manang mana siya sayo hindi man lang siya umiyak habang hinahampas ko siya nito" sabay niyang ipinakita sa akin ang isang latigo na nababahidan ng mga dugo at ginamit niya rin kay jess
"tumigil kana hindi ako magdadalawang isip na patayin ka" hamon ko sa kanya
"nakikita mo sila lahat sila nagmakaawa sakin samantalang ang kapatid mo hindi at nakatakas pa" derederetso niya pang sabi habang nilalapitan ang katawan ni jess na ngayon ay wala ng malay

YOU ARE READING
Living Of The Dead
Non-FictionPaano kung sa isang pagkakamali nabuhay ang patay ..patay na kumakain ng mga laman...patay na hahabol sayo.. Makakaligtas ka kaya kung ikaw na ang nakahain .. #if you read this thanks ..Enjoy =)