Zeina's POV
Lumabas na kami ng kwarto kasama ko sila kei at zera
Plano ko ng umalis sa bahay na ito at ibalita ang mga impormasyon na nakalap namin..
Sakto naman na kumpleto sila sa isang malaking lamesa na kumakain ng almusal
"yow goodmorning " bati sakin ni zen
"kain na kayo" sabi namn ni herkules habang may hawak na tinapay
"hello kids im ate rose at ito si kuya marc" pakilala ni rose, kanila kei at zera agad naman lumapit ang dalawa
At inasikaso nila mich at jess na sa tingin ko ay tuwang tuwa sa mga bata
Umupo naman ako sa malapit na pwesto nila zen
"nasaan ang sila celine" tanong ko
"ewan basta ang alam ko mula ng dumating kami dito hindi ko silang dalawa madalas makita" paliwanag ni zen
"yung matandang babae" tanong naman ni marc
"nagkita na kayo .. Madalas kasi siya sa kwarto niya kaya hindi kami nakakapagkwentuhan basta ang alam ko nanay siya ni celine" sabi naman ni hercules
Tumango lamang ako bilang sagot
"pagkakain aalis na tayo pupunta tayo sa baguio 2hrs nalang naman nandun na tayo" sabi ko sa kanila
"bakit" tanong ni zen
"safe naman dito bakit kailangan pa natin umalis" sangat naman ni hercules
" nasa baguio ang mga taong may kakayahan na protektahan tayo may hukbo dun na galing ibang bansa at mas safe yun kesa dito" paliwanag ni marc
"at isa pa masama ang pakiramdam ko sa lugar na ito" deretso kong sabi sa kanila
"sige mamayang tanghali aalis na tayo" sagot ni zen
Natapos ang usapan namin at wala na ulit nagsalita pa naging tahimik ang paligid
"may dumaan bang anghel" sabi ng kadadating na si celine
Inirapan ko lamang siya
"aalis na kami mamaya maraming salamat at pasensya na sa abala" sabi ni hercules
"walang aalis" biglang sabi naman ng babaeng nakita ko sa kwarto kagabi
Iba ang kanyang mga tingin at isa isa niya kaming tiningnan nabalot lamang ng isang katahimikan ang buong palagid
Na nagpalakas ng tibok ng puso ko
"aalis kami hanggat sa gusto namin" sabi ni rose na nagpawala ng tensyon sa paligid
"easy guys gusto lang namin na ligtas kayo" paliwanag nung james
"basta walang aalis" yun lang ang tanging narinig ko dun sa babae at mabilis itong tumalikod sa amin
"pasensya na kayo sa nanay ko ngayon lang kasi kami nagkaroon ng madaming bisita mula nung namatay si daddy, kaya ganyan siya gusto niya ulit magkaroon ng buhay ang bahay na ito" paliwanag ni celine habang nakatitig sa amin
"kaya sana nakikiusap ako na huwag muna kayo umalis" sabi naman ni james
Nagkatinginan lamang kaming anim naghihintay ng magiging desisyon .
"okay bukas na lang kami aalis" sabi ko at tumayo na sa kinauupuan ko
Natapos kaming kumain at abala lamang kami sa paglilinis ng mga armas namin ako na nagpupunas ng katana si kei at zera na naglalaro habang si mich na naglalagay ng bala sa kanyang baril si zen na nakahiga sa mahabang sofa si rose at marc na nagaayos ng ibat ibang klase ng patalim...
"nasaan si jess" tanong ko
"kasama siya ni hercules" sabi ni mich na hindi ako tinitingnan
Makalipas ang limang minuto dumating si hercules
"yow" bati niya saamin
"nasaan si jess" tanong naman ni mich sa kanya ng napansin na walng jess
"yung masungit na babaeng yun nandun sa puno ng mangga nagpapahangin" sabi niya
"kids kumusta" baling niya sa dalawang batang naglalaro
Hindi ko nalang pinansin pa ang ginagawa nilang tatlo
"pansin ko lang hindi ko nakikita yung tatlo parang may tinatago sila satin" curious na sabi ni marc sa amin
Pansin ko rin yun mula nung dumating kami
"hindi sila naglalagi sa loob ng bahay na ito, at ang nakakapagtaka pa lahat sila palaging wala" sabi naman ni rose
"kung gusto nila may bisita bakit hindi naman nila tayo inientertain" sunod na sabi ni mich
"ate theyre bad" biglang sabi ni zera
"anong ibig mong sabihin zera" tanong ko
Agad naman niyang tinakpan ang kanyang bibig na parang pinipigilan magsalita habang umiling iling
Agad akong lumapit sa kanya
"sabihin mo baby bakit diba bawal magsinungaling" tanong ko sa kanya
Lahat kami naghihintay ng sagot niya
Nagulat pa ako ng bahagya pa siyang lumayo mula sakin
"bakit baby"tanong ko pa
Dahan dahan niyang tinaas ang kanyang damit
Ganun nalamang ang gulat ko ng makita ang isang hiwa na namumula sa kanyang tiyan, mga pasa at gasgas
"anong nangyari sayo baby" tanong ni mich
"saan galing yan" tanong ko
Nagsimula namang humikbi si zera habang binababa ang kanyang damit na tinaas
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit
"ssshhh tahan na baby... sabihin mo kay ate sino ang nanakit sayo" bulong ko sa kanya habang hinahalikan ang kanyang ibabaw ng ulo
"sila ate, sila ate celine at yung kanyang nanay hinampas nila ako ate sinasaktan nila ako ate " umiiyak niyang sumbong sakin
"poprotektahan kanamin huwag ka ng umiyak" sabi ko
Lalong naginit ang ulo ko sa narinig ko
Walang pwedeng manakit sa kapatid ko wala silang karapatan
"kayo na muna ang bahala at ngayon din aalis tayo" sabi ko sa kanilang lahat na nagpaalerto sa kanila
--_itutuloy--
3/4/19
YOU ARE READING
Living Of The Dead
Non-FictionPaano kung sa isang pagkakamali nabuhay ang patay ..patay na kumakain ng mga laman...patay na hahabol sayo.. Makakaligtas ka kaya kung ikaw na ang nakahain .. #if you read this thanks ..Enjoy =)