4

1.8K 59 1
                                    

Lalakad ako pauwi ngayon. Mga 20 minutes to na lakad. Kailangan kong mag exercise para naman may ma-burn ako na fats.

"Aray!" may narinig akong batang sumigaw. Sinundan ko yung boses at may nakita akong batang lalake na nakahiga sa sahig tapos may dalawang babaeng kambal.

Anak kaya to ni Tita Bong Soon?

"Anong nangyari dito?" tanong ko.

"Ate huhu. Inaway ako ng dalawang yan." sabi ng lalaki sabay turo sa kambal.

"Kasalanan mo yan, kinuha mo kasi kinuha yung ice cream ko." sabi ng isang kambal.

"Nako, dapat magsorry kayo sa isa't isa.Tsaka wag kayong magsakitan ha, bad yan. At wag din manguha ng bagay na di sayo. Dapat humingi ka muna ng permisyo okay?" sabi ko. Mabait kasi ako na ate.

"Okay ate. Sorry sa pagkuha ng ice cream mo. Ubos na kasi yung akin." ang cute naman

"Okay. Sorry din kung sinaktan ka namin." sabi ng kambal.

Binilhan ko sila ng ice cream dahil ang cute nila.

"Bye!" nagpaalam na ako sa mga cute na chikiting. Nakita ko yung parents ng kambal at kamukha nila Tito Min Hyuk at Tita Bong Soon. Baka nga anak nila.

Kakausapin ko sana sila Tita kaso nakasakay na ako ng tricycle. Kapagod kaya maglakad kaya sumakay na ako.

-

Home Sweet Home! Si ate nanonood ng TV at si Kuya, ewan ko. Di kasi ako close kay Kuya kasi tahimik lang naman siya.

Dapat nga close kaming tatlo eh, kaso si ate masyadong masunurin at mabait, ako masyadong maingay at si Kuya naman masyadong tahimik. Pero parehas naman kaming matatalino.

Pumunta nalang ako sa tindahan namin, may restaurant kami pero tindahan ang tawag ko dito. Madali lang makakupit dito dahil busy si mama. Pero minsan lang ako nangungupit noh pag may kailangang bilhin.

"Oh Ji Soo! Tulungan mo kaming mag-serve sa mga costumers." sabi ni mama.

"Okay Ma!" sinuot ko yung apron at nagsimulang tumulong. Korean Resto kasi ito. Mahilig magluto si mama kaya ayun nagpatayo siya ng resto.

"Ozowa!" bati ko sa bagong pasok na costumer. Si Jungkook kasama ang... pamilya niya ata to, malalaki ang ilong eh hehe.

Nagbow ako sakanila at kinuha na yung order nila.

Sa pagluluto nalang muna ako tutulong kasi nakakahiya pag nakita ako ni Jungkook. Haggard ang face ko noh.

Mukhang masaya naman ang pamilya nila. Malalaki talaga ang ilong nila. Baka masinghot nila tong resto dejoke lang.

Nung umalis na sila eh lumabas na din ako sa kusina.

May test pa kami bukas kaya umuwi na ako. History naman kaya madali lang sakin to.

Gulat kong nakasalubong si Kuya Hoseok sa sala. Nanonood siya ng basketball. Nag-hi ako sakanya kaso di niya lang ako pinansin. Bastos din noh?

Nagluto ako ng ramen at kumain na. Minsan naiisip ko kung anong nangyari saming tatlo na magkakapatid. Dati naman eh close kami.

Pumasok na ako sa kwarto at nagsimulang nagreview. Madali lang naman ang test bukas, siyempre favorite subject ko.

Jungkook accepted your friend request.

Inaccept na ng may malaking ilong. Mastalk nga. Famous talaga siya, daming likers tsaka mukhang friendly naman.

-

Malapit na ang intramurals sa school kaya naman todo practice ang mga students.

Nasa studio kami ngayon, nagpapractice para sa band competetion.

"Ji Soo, magd-drums ka o electric guitar?" tanong ni Hyun Min saakin.

"Mag electric guitar na ako." sabi ko. Mas sanay ako don at mas magaling na drummer ni Hyun Min kesa sakin.

"Sure na yan ha?"

"Oo naman."

Si Hyun Min na ang drummer at ako na ang guitarist. Si Soo Yeon ang pianist namin at si Chan Hee naman ang rapist- este ang bassist.

Vocal kaming dalawa ni Chan Hee.

"You're just a little bit out of my limit
It's been two years now
You haven't even seen the best of me
And in my mind now
I've been over this a thousand times
But it's almost over
Let's start over."
(Out Of My Limit, 5 Seconds of Summer)

"Ji Soo, magmemorize ka na ng lyrics at chords ha." sabi Chan Hee. Tumango naman ako.

Kaya natin to, fighting!

Tapos na kami sa practice. Pumunta kami ng tropa sa may stage para makita yung rehearsals para sa pageant.

"Ang gwapo gwapo naman ni Chan Hee." sabi ko. Swerte ko at kasama ko pa siya sa banda.

"Mas gwapo si Jungkook. Tignan mo." sabi ni Eun Tak kaya napatingin ako sa may malaking ilong. Oo gwapo naman siya.

Partner ni Chan Hee si So Rim. Bagay na bagay silang dalawa kasi parehas silang matangkad.

Tapos yung partner ni Jungkook eh yung tinawag niya kahapon. Ah, kaya siguro tinawag niya para makapractice sila.

Umalis na kami don kasi tutulong pa kami sa decorations. Busy ang mga tao sa school ngayon pati mga teachers din.

"Anong sports ang sinalihan mo Jimin?" tanong ko

"Basketball." sagot niya

"Ano? Sa height mong yan nakasali ka?" gulat kong sabi

"Bakit ha? Yung pinsan mo nga eh nakasali." Nakasali pala si Yoongi my cousin?

"Ahh ganon ba."

Si Jin Soo at Eun Tak sumali sa cheering squad. Si Taehyung sa basketball rin gaya ni Jimin. Gusto kong sumali sa soccer kaso kapagod na. Kaya sa darts nalang ako. Extra lang din naman ako dun.

Tumakas muna ako sa pagtulong dahil nagugutom na ako.

Nasa likod ko pa ng pila si Jungkook sa canteen. Ang bango niya! Ang manly ng scent niya jusme mamamatay na ata ako sa amoy.

"Uh, Miss bibili ka?" natulala pala ako habang iniimagine ang ilong ni Jungkook hehe.

"Isang burger at coke ate."

Nagmamadaling umalis ako sa canteen. Nakakahiya buti nalang sa burger ako natulala at hindi kay Jungkook.

Hanggang Tingin Lang | Jeon Jungkook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon