8

1.6K 53 8
                                    

Paggising ko, nagulat ako nangyari sa kwarto ko. May mga tissue kahit saan tsaka yung mga libro ko naka-kalat na. Yung mga damit ko nasa mag bintana tsaka yung iba punit-punit na.

"TANGINA!" di ko mapigilan ang galit ko. Dali dali akong lumabas para malaman kung sino yung gumawa ng ka-letchehan sa kwarto ko.

Bumungad saakin ang mukha ng echoserang kapatid ko kuno na si Sung Min.

"Ikaw ba yung gumawa ng ka-letchehan sa kwarto ko!?" sigaw ko sakanya. Ilang oras ako nagligpit at nagdecorate dun tapos magiging ganon lang!? Aba niloloko ata nila ako eh.

Tinignan niya lang ako nang naka-taas ang isang kilay. Puta, kilayan kita diyan eh. "Pinagbintangan mo ba ako?" inosenteng sabi niya. Immature bitch.

"Malamang, tinanong kita eh." casual kong sagot. Eh sino pa ba ang gagawa nun? Baka may multo dito sa bahay?

"If you say so, umalis na pala si mommy kaya ikaw ang magliligpit sa pinagkainan diyan." mataray niyang sabi at umakyat na. Ang sarap patayin puta! Ka-bago bago ko lang dito ganito pa mangyayari! Next week aalis na ako dito ka-imbyerna.

Pumunta na ako sa dining room atsaka kumain, masarap naman yung pagkain, bacon and eggs. Teka wala bang kasambahay dito? Wag niyong sabihin na ako ang magiging kasambahay dito? Hindi ako sing bait ni Cinderella para gayahin siya.

Pagkatapos kong kumain, naghugas na din ako ng pinggan dahil wala akong choice. Kainis kasi yang kapatid ko! Nakakamiss tuloy si ate Jieun.

Bumalik na ako sa kwarto at nilinis yung mga kalat na ginawa ng echoserang kapatid ko kuno. Sino pa ba ang gagawa nito?

Pagdating ni Tita- este mommy, pinuntahan ko kaagad siya para sabihin yung ginawa ni Sung Min.

"Oh Ji Soo, may pagkain ako dito." sabi niya at nilagay sa lamesa yung mga pagkain. Nagpasalamat naman ako at kumain na rin.

"Mommy, yung kwarto ko ho, ginulo ni Sung Min." sumbong ko. Aba, dapat turuan yan ng leksyon.

Kumunot ang airport- este noo niya, "Nako, bakit naman niya ginawa yun? Sige kakausapin ko lang siya mamaya. Umalis kasi siya." sabi niya at nagpaalam na aakyat na dahil pagod na siya.

Nagpaalam akong aalis muna sa bahay dahil ang boring dun. Papasyal nalang muna ako sa mall.

Habang naglalakad ako papunta ng Watsons eh nakita ko si Chan Hee kaya sabay na kaming dalawa. Date na ba ito? kilig naman ako.

Face mask lang naman yung binili ko para naman maganda ako sa paningin ni Jungkook- este Chan Hee pala. Si Chan Hee naman bumili ng condom ay joke yung mga panlalaki na mga gamit chu chu ganern.

Pagkatapos naming bumili, nagpasya kaming kumain sa Jollibee. Libre ni Chan Hee nako sana sa mamahaling resto nalang kami kumain dejoke lang.

"Here's your chickenjoy and yum burger Ji Soo." Aba ume-english si Chan Hee ngayon ah!

"Thanks Chan Hee." sabi ko habang natatawa

"Anytime, anywhere Ji Soo." sabi niya habang natatawa rin. Hay ang gwapo naman ng batang ito.

Habang kumakain ako ng burger bigla akong nabilaukan dahil nakita ko si Jungkook sa may counter.

"Ji Soo! Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Chan Hee sabay bigay ng tubig saakin. Tumango lang ako at uminom ng tubig.

Napalingon naman si Jungkook saamin o baka sa likod namin assumera lang ako.

Omaygash papunta siya saamin!

"Is this seat... taken?" tanong niya nung nakalapit na siya. Jollibee lang? Ay nasa Jollibee pala kami.

"No, not taken." sagot ko. Tumingin naman siya sakin at napangiti. Okay medyo kinilig ako. Nako Ji Soo wag maharot!

"Can I seat here? Wala na kasi akong makitang vacant seat." sabi niya. Oh sure it's okay, ikaw pa.

"Yeah sure." sabi ni Chan Hee at ngumiti. So ano ito boy x boy? Sabagay, bagay naman sila dahil parehas silang malaki ang ilong. Mas malaki nga lang ang kay Jungkook.

"Anong mas malaki ang kay Jungkook?" tanong ni Chan Hee na nagtataka. Lumaki naman ang mga mata ko at napatingin kay Jungkook. Napatingin din siya sakin.

"Ha anong Jungkook? Wala naman akong sinabing ganyan." palusot ko. Okay nakakahiya nasabi ko pa talaga yung dapat nasa isipan ko lang.

"Ah okay." sabi ni Chan Hee at nagpatuloy sa pagkain.

"Grade 11 students kayo diba? Kayo yung sumali sa band." sabi ni Jungkook. So naalala niya ako? kilig ulit.

"Ah oo, kami yung kumanta." sabi ni Chan Hee at tumingin sakin. Tumango lang ako.

"Oh, ang galing niyo. Congrats nga pala." sabi niya. Siyempre iba talaga kapag inspired.

"Congrats din." sabi ko. Ang gwapo niya nung intrams!

"Sinong gwapo nung intrams?" tanong ni Chan Hee. Nasabi ko nanaman!

"Ah... ikaw hehe." palusot ko. Well gwapo din naman siya nung intrams.

Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko.

"You look cute together."

At dahil sa sinabi ni Jungkook nabilaukan nanaman ako.

Nagtinginan kami ni Chan Hee at tumawa ng malakas.

"But seriously, ang cute niyong tignan." mas cute kaya tayong tignan!

"Hahahaha ay siyempre!" sabi ni Chan Hee at umakbay sakin. Inalis ko kaagad yung kamay niya kasi ang bigat, parang yung pagmamahal ko ay charrot.

"Hindi, ako lang yung cute saaming dalawa." sabi ko at tumawa. Tumawa rin siya.

Nang matapos na kaming kumain, nagpaalam na si Jungkook na aalis dahil may pupuntahan pa siya. Kaya kaming dalawa ulit ni Chan Hee ang magkasama.

"Hinahanap na ako samin, umuwi na tayo." sabi ko at nagsimulang lumakad papuntang exit.

"Uwi lang, walang tayo." pinakyu-han ko siya at natawa nalamang siya.

Pagkauwi ko ng bahay ay nasa sala ang echoserang kapatid ko.

"At nagsumbong ka pala." maarte niyang sabi.

"So sinasabi mong ikaw nga ang gumawa?" sabi ko ng pataray.

"I won't deny it na. It's because you don't belong here kasi." amputa conyo pala ito.

"Bakit? sigurado ka bang karapat-dapat ka dito?" tanong ko at umakyat na sa taas.

Humiga ako sa kama at nakatulog agad.

Hanggang Tingin Lang | Jeon Jungkook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon