18

745 27 1
                                    

Masaya akong umuwi ng bahay. Kina Kuya Hoseok ako umuwi ngayon kasi gusto ko lang hehe.

Pagpasok ko ng bahay ay nakita ko si Kuya Hoseok na nagluluto. Nagutom ako bigla kaya pinuntahan ko siya sa kusina.

"Wow anong nilu-" magsasalita sana ako kaso naalala kong hindi pala kami close ni kuya. Nadala lang ako dahil sa amoy ng pagkain.

"Ay sorry kuya hehe." sabi ko at kumaripas ng takbo pero dahil sa pagmamadali ko, nadapa ako sa may hagdan. "Oh shet." maiyak iyak kong sigaw.

Tumakbo si Kuya Hoseok kung saan ako nadapa at kumuha agad ng first aid kit. Binuhat niya ako papunta sa sofa para magamot yung tuhod ko.

"Ayan kasi tumakbo agad." sabi niya. Napatingin nalang ako sakanya kasi nahihiya ako. Ngayon lang niya ako kinausap ng ganito.

"Oh ayan tapos na." tumayo ako agad para makaalis na.

"Salamat kuya." sabi ko at akmang aalis na sana nang narinig ko siyang magsalita.

"Alam kong hindi tayo close. Pero I'm still your brother." medyo naiyak naman ako sinabi niya. Ewan ko kung anong pumasok sa kokote niya at naging mabait siya ngayon pero hindi na ako magrereklamo.

"Akala ko ayaw mo sakin. Magpinsan lang naman tayo diba?" naiiyak kong sagot. Pinuntahan niya ako at hinug. Ni minsan hindi niya to ginawa sakin.

"I'm sorry. Nadala lang ako nun. Wala ka namang kasalanan." at nag-iyakan kami sa sala, bahagya kaming natawa dahil sa pagmumukha namin.

Pumasok ako sa kwarto na nakangiti. Kahit na may nangyari di maganda, atleast okay na kami ni Kuya.

Humiga ako sa kama at nagcellphone. Biglang may nagmessage sakin sa messenger.

Jungkook: Hi.

Oh my pakening shet! Ang ganda mo Jung Ji Soo! Buti nalang gumawa ako ng paraan para magkausap kami.

ako: Hello!

Jungkook: Busy ka ba bukas? Sabay tayong maglunch.

Ang haba naman ng baba ni Kuya Hoseok- este ng buhok ko!

ako: sure. pero may gagawin akong essay eh.

Totoong essay na to ah. Hindi gaya nung kay Hyun Min hehe.

Jungkook: Ay ganun? I can help you with that.

ako: are you sure? baka may gagawin ka rin.

Jungkook: Nah. I just finished my research.

Sana all masipag gaya ni ilong. Pinatay ko na ang cellphone ko at natulog na.

-

"Goodmorning Mommy! Goodmorning ate Jieun! Goodmorning Kuya Hoseok!" bati ko sakanilang lahat. Nagtaka naman sila sa masaya kong pagbati pero hindi ko na yon pinansin at nagsimula nang kumain.

"So Ji Soo... kamusta ang school?" tanong ni ate Jieun.

"Okay naman po. Medyo stressed lang kasi andaming schoolworks ganern." chill kong sagot kahit na stressed na masyado.

"Oh ikaw Hoseok, kailan mo balak mag-aral ulit?" tanong ni mommy kay Kuya Hoseok. Bigla kaming natahimik. Tinignan niya lang si mommy at nagkibit balikat.

"Nako sayang naman. Sabay sana kayong ga-graduate ng highschool nila Jungkook." dismayadong sabi ni mommy.

"Jungkook?" tanong ko.

"Oo, yung childhood friend ni Hoseok. Hindi mo na siguro sila naalala dahil ang bata mo pa nun." sabi ni mommy. Anong bata eh 1 year older lang naman si Kuya Hoseok sakin. Tumango nalang ako nagsimula nang kumain.

Habang naglalakad ako sa hallway, nakasalubong ko si Eun Tak at Jin Soo kaya pinuntahan ko sila agad.

"Nasaan si Soo Yeon?" tanong ko sakanila. Palagi kasi siyang present kaya nagtaka ako kung ba't siya biglang nawala.

"Ewan. Di nga namin macontact eh." nag-aalalang sagot ni Jin Soo.

May sasabihin pa sana ako kaso nagbell na kaya dumiretso na kami sa classroom. Absent rin si Hyun Min kaya naisip namin na baka magkasama sila ni Soo Yeon.

"Ano ba yan may report nanaman!" reklamo ni Yoongi habang papaalis na ang teacher namin sa room.

"Oo nga eh. Hindi na ata yan nagtuturo dahil pinapareport niya lang topic satin." pagsang-ayon ko.

"Hayaan niyo na wala naman tayong choice." sabi Eun Tak na nakasimangot.

"Kumain nalang tayo! Sa foodcourt tayo kumain daliiii." pagyaya ni Taehyung saamin.

"Hindi muna ako sasama sainyo ha. May pupuntahan pa kasi ako." sabi ko at nagpaalam sakanila.

-

Nandito kami ngayon sa malapit na restaurant sa school. Hinihintay lang namin ni Jungkook ang inorder naming pagkain.

Tahimik lang kami at medyo awkward yung atmosphere. Nagkatinginan kami at natawa siya kaya natawa nalang rin ako.

"Ang tahimik mo naman." sabi niya

"Ah.. gutom lang hehe." pagdadahilan ko. Alangan namang sabihin na na nahihiya ako eh mas lalong nakakahiya yun.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko si Chan Hee kasama ang bago niyang barkada na pumasok sa resto. Nagkatinginan kami saglit pero umiwas agad siya ng tingin.

"Si Ji Soo yun pre ah, niligawan mo ba yan dati or magkaibigan lang kayo?" tanong ng isa niyang kaibigan sakanya.

"Ha? Hindi ah. Hindi ko rin yan kaibigan." natigilan ako saglit sa sinabi niya. Anong hindi kami magkaibigan? Akala ko ba?

"Hayaan mo na." sabi ni Jungkook nang napansin niya ang pagbago ng mood ko. Gagong Chan Hee! Edi hindi kami kaibigan, di naman siya kawalan!

Dumating na yung inorder namin at nagsimula na kaming kumain. Naririnig ko yung mga tawanan nila Chan Hee sa kabilang lamesa at minsan napapatingin siya samin pero umiiwas din agad.




Hanggang Tingin Lang | Jeon Jungkook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon