Talagang napanganga kami nina Eun Tak at Ji Soo sa pagkanta ng tatlo. Nagpractice pa sila ng iba pang kanta kaya hindi pa namin alam kung ano ba talaga ang kakantahin nila.
"Para saan ba yang 'duet' ninyo?" tanong ko sakanila. Nagtataka na talaga ako kung para saan yan.
"Para sa anniversary ng school, next month na kaya." sagot ni Jimin. Ah kaya pala.
"Hala? Eh dapat magperform din kayo ng banda mo Ji Soo." sabi ni Jin Soo. Oo nga! Kaso tinatamad akong magpractice. Joke lang baka ipa-kick out ako sa banda pag ganun.
"Oo nga, Sabado naman bukas kaya sasabihan ko sila na magpractice." sabi ko.
"Ay magpapractice din kami bukas, dito na rin kayo." sabi ni Taehyung. Yun nga ang plano ko eh, na dito kami magpractice #GalawangJiSoo.
"Ah sige, anong oras ba?" tanong ko
"Mga 10am siguro." sagot niya. So mga 12pm andito na siguro ang lahat. Paglunch talaga eh noh?
"Oh final na eto ha?" sabi ni Taehyung saamin. Nag 'yes' naman kami at parehas pa kami ni Jungkook na nag 'okay' sign. Meant to be na kami non?
So matapos nga magpractice ng tatlo, nanood na kami ng movie. Hindi na horror kasi kawawa ang katabi niya.
Pero teka ichat ko muna yung banda para sabihan na may performance kami.
Groupchat
me: Mga ulol may perfomance tayo sa anniversary ng eskol kaya may practice tayo.
Chan Hee: Saan?
me: Dito kina Jimin at Jin Soo, 10:00am ang malate babayagan.
Soo Yeon: Paano eh wala naman tayong mga bayag?
Hyun Min: Ano???
Soo Yeon: Hahaha joke lang.
me: hay nako. LQ nanaman.
Soo Yeon: Q lang, walang L.
Hyun Min: Ano ulit????
Soo Yeon: Uy joke lang.
me: Oh siya, bukas ha?
Chan Hee: Okay baby!
Chan Hee: Okay babye!*
Hyun Min: Ay ganon? Kunwari typo?
Di na ako nakapagreply dahil magsa-start na yung movie.
Ay jusq may bedscene pala!
"Mama! Tabunan niyo pa ang aking mga mata!" sigaw ni Taehyung at tinabunan ang mga sariling mata gamit ang unan. Painosente pa to.
"Hoy tumahimik ka nagfofocus ako dito." sabi ni Jimin. Yak!
"Yak manyak!" sigaw ko.
"Nanonood lang, hindi nagmamanyak." sabi niya habang nakatingin ng mabuti sa screen. Hay nako.
After ng movie, nagdinner muna kami at umuwi na.
"Babye!" paalam ko sa lahat kaya nasali si Jungkook sa pagwave ko. Sana iwave ako sa messenger ay charrot.
Nang makarating ako sa bahay (kina Kuya Hoseok) pumunta agad ako ng kwarto para makapagbihis. Pwede naman siguro ako dito ng isang buwan? Kaurat si Sung Min dun kina mommy-na-totoo eh.
Humiga na ako sa kama at nagcellphone. Maaga pa naman pero gabi na. Ano daw?
Nag-open ako ng messenger.
BINABASA MO ANG
Hanggang Tingin Lang | Jeon Jungkook
Fanfiction(Bangtan Series #1) I don't know how to get your attention so hanggang tingin nalang ako sayo. But ofcourse I tried, ayaw ko kaya na hanggang diyan lang ako. Sige lang Jeon Jungkook, may araw ka rin charot. //taglish