Kakain muna kami dahil mahirap uminom nang gutom dahil baka gawing hapunan ang pulutan.
Ang yaman talaga nila Jin Soo at Jimin, may pa lechon pa samantala kami eh naglelechon lang kapag may birthday, minsan nga wala. Ay meron pala, lechon manok hehe.
"Bakit walang hotdog?" reklamo ni Taehyung. Aba choosy pa to.
"Hoy mahilig ka talaga sa mga hotdog, hapunan to oy hindi breakfast." sabi ni Jimin sakanya. Nagpeace sign naman si Taehyung.
"Joke nga lang hay nako." rason niya
At lumamon lang kami nang lumamon. Plano pa nga nilang manood ng movie kaso ano movie nalang kami ng movie? What's the use of walwal? Hays.
"Ang unang malalasing, magco-cross dress sa Monday!" sabi ni Eun Tak.
"Pano yan Taehyung, be ready!" sabi ni Jimin.
"Anong ako? Ikaw kamo!" sagot ni Taehyung sakanya.
Sinerve na yung mga drinks saamin kaya nagsimula na kaming uminom. Katabi ko pala si Jungkook hehe.
"Oh Chan Hee? Shot naman diyan!" sabi ko. Hindi pa kasi siya nagsisimulang uminom.
"Sige mamaya na." sabi niya kaya naman nagpout ako.
"Nako baka kapag nalasing yan si Ji Soo eh maparehas yan siya dati na inaano si Chan Hee." sabi ni Eun Tak kaya naman natawa sila maliban kay Jungkook na walang alam. Pero diba pumunta siya kina Jimin nung last na inuman namin tapos sinabihan ko daw na mukha siyang si Squidward? Nakakahiya naalala ko pa. Sige lang, past is past.
"Hoy anong inaano?!" sigaw ko
"Oh baka sa iba niya magawa?" tukso ni Jin Soo. Lumaki ang mga mata ko dahil alam ko na si Jungkook ang tinutukoy niya dahil sakanya ito nakatingin. Takang tumingin naman si Jungkook saakin kaya umiwas ako ng tingin. Hanggang Tinginan Lang ba talaga kami?
"Oh ano magvideoke tayo!" suggest ko.
Nag agree naman sila kaya sinet-up na nila yung videoke nila Jimin. Mukhang lasing na si Jimin at Taehyung dahil hindi na maintindihan ang kanilang mga kinakanta. Natawa ako kaya sumama ako sakanila.
Hinila naman ako pabalik ni Chan Hee kaya napatingin si Jungkook saamin. Aw nagseselos ba si Squidward? Ang tangos talaga ng ilong nito!
Akala niyo nalasing ako noh? Pwes hindi, or maybe...
"Okay let's celebrate our existence and happiness and joyfullness! Joy to the world!" Oh my why am I speaking in english I'm no Americana just half Filipina and Koreana.
-
Nagising ako na masakit na masakit ang ulo. Mas masakit pa nung iniwan ka niya charrot. Pero seryoso masakit talaga yung ulo ko shet hangover is real. Hindi ko na nga alam kung paano ako nakauwi eh. Paano nga ba? Alamin sa bagong kabanata ng- charrot lang.
Itatanong ko nalang kina Jin Soo kung paano ako nakauwi. Sana wala naman akong nagawa na kagagahan at nakakawala ng reputasyon.
At dahil hindi ko na talaga kaya ang hangover ay iinom muna ako ng gamot at orange juice. Kasi nakakawala daw ng hangover ang orange juice? Ay ewan ko basta nabasa ko lang kaya gagawin ko.
So bumaba na nga ako at nakita ko si ate Jieun na parang hinihintay ang paggising ko.
"Oy gising na pala ang english speaking sister ko." sabi niya at tumawa
"English speaking ka diyan." sabi ko at inirapan siya.
"Sus tanong mo kay Jungkook." sabi niya habang tumatawa. Teka ano daw? Kay Jungkook?
"At bakit naman kay Jungkook?!" halos mapasigaw ako.
"Nako nako ang maharot kong kapatid." tukso niya saakin.
"Anong ginawa ko?" tanong ko tumawa muna siya at nagtry na magseryoso.
"Si Jungkook ang naghatid sayo pauwi tapos english ka nalang ng english amputa. Malapit mo na nga siyang sukahan eh buti nalang tinulak kita at alam mo kung san ka nakasuka?" tanong ni ate na pulang pula na sa kakatawa.
"saan?" kinakabahan kong tanong
"Sa kotse niya." sabi niya at lumaki naman ang mga mata ko.
"HALA GAGO!??" sigaw ko. Napatingin naman si Kuya Hoseok saamin at iniwas ko kaagad ang tingin ko sakanya.
Pero gago nakakahiya!
"Sa harapan lang naman ng kotse niya!" tawa niya, "At sabi mo pa 'Oh my god I'm so sorry Squidward! I just can't control my vomit.'" dagdag pa niya at ginagaya niya pa ang tono ko.
Nakakahiya namang pumasok sa school neto!
"Bwisit! Hindi nalang ako papasok ngayon tutal masakit naman ang ulo ko." sabi ko
"So anong sasabihin mo na rason? Na nahihiya ka dahil sinukahan mo ang sasakyan ni Jungkook?" sabi ni ate
"Gaga! Sabihin ko hangover." sabi ko
"Gaga ka din! Edi sabihin nila na highschool ka palang lasenggera ka na!" sabi niya
"Edi sabihin ko na masakit ang katawan ko! Tsaka legal na ako kaya pwede nang uminom." sabi ko. Kaya kayo, uminom lang kayo kapag 18 and above na kayo wag kayong gumaya kay author hehehe.
"Bahala ka diyan! Sige aalis na kami Hoseok." sabi niya at nagpaalam na.
At dahil hindi nga ako pumasok, pumunta sina Eun Tak sa bahay. Wala si Soo Yeon kasi nagdate nanaman daw sila ni Hyun Min.
"Alam mo bang hinahanap ka daw ni Jungkook sabi ni Jimin?" sabi ni Jin Soo.
"Patay ka talaga! Ang mahal ng kotse non." sabi ni Eun Tak.
"Sus! Mayaman naman yun tsaka lasing ako noh." sabi ko na parang wala lang. Pero kinakabahan parin talaga ako hanggang ngayon.
"So paano naman ang reputasyon mo?" sabi ni Jin Soo.
"Gaga anong reputasyon ang pinagsasabi mo? Tsaka bakit kasi si Jungkook ang naghatid sakin, paano niya nalaman ang address ko?" tanong ko.
"Eh kasi, si Chan Hee dapat ang maghahatid sayo kaso bigla ka nalang hinablot ni Jungkook." sabi ni Jin Soo at kinikilig pa.
"Yieeee tapos binigay ko na yung address mo sakanya." sabi Eun Tak na kinikilig rin.
"Nakakahiya talaga!" sigaw ko. Wala naman si Kuya Hoseok kaya okay lang.
"Ayaw mo non? Hindi ka na Hanggang Tingin Lang kay Jungkook." sabi ni Jin Soo. Bigla namang kumabog ang puso ko sa sinabi niya.
Hay goodluck bukas!
BINABASA MO ANG
Hanggang Tingin Lang | Jeon Jungkook
Fanfic(Bangtan Series #1) I don't know how to get your attention so hanggang tingin nalang ako sayo. But ofcourse I tried, ayaw ko kaya na hanggang diyan lang ako. Sige lang Jeon Jungkook, may araw ka rin charot. //taglish