13

842 27 2
                                    

Pumasok nalang ako ng school dahil wala akong choice. Iiwasan ko nalang si Jungkook kapag nakasalubong ko man siya. Andami ko nang nagawang nakakahiya sa harapan niya ano ba yan! Hindi na ako iinom promise.

Habang naglalakad ako sa hallway may biglang sumigaw ng pangalan ko kaya kinabahan ako ng over-over.

"Ji Soo! May soup ako para sa hangover mo." si Jin Soo pala. Akala ko si Jungkook.

"Ah salamat hehe." sabi ko at nagsmile. Natawa naman siya sa reaksiyon ko.

"Gulat na gulat ah! Goodluck pala sainyo ni Jungkook. Balita ko barkada na sila nina Jimin at Taehyung so may chance na sasama siya saatin palagi." sabi niya kaya kinabahan nanaman ulit ako. Kunwari nalang nalimutan ko yung nangyari kasi diba nga lasing ako. Ganun nalang!

Nung nakapasok na kami sa room nakita namin si Taehyung na nakadress na red. Lunes ngayon at dahil siya ang unang nalasing nung last na inuman namin ay siya ang magc-cross dress.

"Ang ganda talaga ni Taehyung kapag babae siya!" sabi ni Eun Tak. Pinakyuhan lang siya ni Taehyung.

"Whole day ba to?! Magp-practice pa kami nila Jungkook at Jimin para sa duet namin. Bukas na kaya yon!!" sigaw niya at lalo kaming natawa.

Tinignan ako ni Taehyung at nagsmile ng nakakaasar. Tinaasan ko siya ng kilay at nagsmile pa siya ng malaki. "Ano!?" tanong ko na nagtataka.

"Punta kayo sa practice namin kasi nandon si Jungkook! Yieee." tukso niya at bigla kong naalala yung nangyari.

"Sus! Siguro wala lang yon sakanya. At magp-practice kami para sa band mamaya noh." sabi ko na parang wala lang rin saakin. Pero yung totoo napaparanoid na ako konti char grabe naman.

Nagtime na kaya umupo na kami saaming proper seat. May surpise quiz sa math pero buti nalang alam ko kung paano isolve. Nangopya nalang sila Yoongi my cousin saakin para kaming lahat ay makapasa.

Half day lang ang klase ngayon dahil maghahanda kami para sa anniversary bukas. Lunch na kaya pumunta kami sa cafeteria para kumain. Obviously!

Nakalong table talaga kami dito. Andito sila Jin Soo, Soo Yeon, Hyun Min, at Eun Tak. Nagpractice ata sila Jimin at Taehyung.

"Oh ba't hindi kayo nagdate ngayon?" tanong ni Jin Soo kina Hyun Min at Soo Yeon. Namula namn si Soo Yeon nako ang harot!

"May practice kasi sa band hehe." sabi ni Hyun Min kaya tumango naman si Jin Soo.

"Magb-booth nanaman tayo diba? Mag wedding booth nalang tayo!" sabi ni Eun Tak.

"Nako ngayon ka pa nakaisip niyan na bukas na ang event!" sabi ni Hyun Min.

"Atleast meron kaysa naman wala di ba." pagtanggol ko kay Eun Tak. Nag evil laugh si Eun Tak dahil sa sinabi ko. Binelatan lang siya ni Hyun Min.

"Eyo swaeg everybody!!" sigaw ng gilagid- este ni Yoongi sa pwesto namin at umupo sa tabi ko. Natahimik kami ng 10 minutes dahil kain kami ng kain. Nagtinginan kami at nagtawanan.

Habang tumatawa kami ay biglang sumulpot sina Jimin at Taehyung.

"Oh magp-practice pa kayo mamaya?" tanong ko sa dalawa.

"Oo. Sasabay daw ata kayo sabi ni Sir Seokjin." sagot ni Jimin. Nag thumbs up naman si Taehyung at nagsmile sakin. Tinaasan ko siya ng kilay at umiwas ng tingin.

"Sasabay sana samin si Jungkook kaso may pupuntahan daw siya eh. Sayang nga eh, diba Ji Soo?" tukso ni Taehyung saakin. Pinakyuhan ko siya at nagtawanan sila.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta sina Eun Tak at Jin Soo sa booth at kami naman ay dumiretso sa isang vacant room para magpractice. Dalawa yung vacant room kaya sina Taehyung doon sa isa.

Nang makapasok kami ay inayos na namin ang mga instruments. "Teka asan si Chan Hee?" tanong ni Hyun Min.

Ay oo nga pala wala pa si Chan Hee!

"Teka hahanapin ko muna siya." sabi ko at lumabas.

Paglabas ko ay siya ring paglabas ni Jungkook sa room nila. Napatingin ako sakanya at tumakbo ng mabilis para hindi niya ako makausap.

Inisip kong baka nasa library si Chan Hee dahil palagi naman siyang nandoon. Pagpasok ko ay nadatnan ko siyang natutulog ng payapa.

Ang cute naman niya kapag natutulog parang ako hehe.

Pipicturan ko sana siya pero bigla siyang nagising.

"Oh gising na ang mahal na prinsipe." sabi ko at nagsmile. Nagkatinginan kami ng matagal at medyo nailang ako.

"Ah magpapractice na tayo." sabi ko at niyaya na siya palabas. Sumunod naman siya at nakarating na kami kaagad sa room.

"Oh san ka galing?" tanong ni Soo Yeon

"Nakatulog ako sa library eh haha." sabi niya at napakamot ng ulo. May kuto ata de joke.

"Oh sige magstart na tayo."

"Little do you know
How I'm breaking while you fall asleep
Little do you know
I'm still haunted by the memories
Little do you know
I'm trying to pick myself up piece by piece
Little do you know
I need a little more time
Underneath it all I'm held captive by the hole inside
I've been holding back
For the fear that you might change your mind
I'm ready to forgive you, but forgetting is a harder fight
Little do you know
I need a little more time." kanta ko with feelings talaga. Emotera ang peg ng lola niyo ngayon.

"I'll wait, I'll wait
I love you like you've never felt the pain, I'll wait
I promise, you don't have to be afraid, I'll wait
Love is here, and here to stay
So lay your head on me
Little do you know
I know you're hurt while I'm sound asleep
Little do you know
All my mistakes are slowly drowning me
Little do you know
I'm trying to make it better piece by piece
Little do you know
I, I love you 'til the sun dies" emotera din tong si Chan Hee ah.

"I promise you don't have to be afraid, I'll wait
Love is here, and here to stay
So lay your head on me
Lay your head on me
So lay your head on me
'Cause little do you know
I love you 'til the sun dies"

Habang kumakanta ako di ko namalayan na tumitingin si Jungkook saamin at sakanya lang ako nakatitig.

Hanggang Tingin Lang | Jeon Jungkook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon