1. PAST...

4.3K 68 2
                                    

GAIL

Natanggap ko na ang annulment papers. Tsk. Akala naman ng lalaking yun pipirmahan nya ang annulment paper? Maghirap muna sya! Ipapadanas ko muna sa kanya yung mga paghihirap ko.

Hindi nya maitatanggi sa sarili na mahal nya pa rin ito, kahit na puro sakit ng kalooban ang binigay nito sa kanya. Pero syempre hinding hindi na sya magpapaapekto dito. Tama na ang mga panlalait at pagtataboy nito sa kanya.

Dati isa syang pangit na babae,baduy,probinsyana at naive. Wala syang ibang ginagawa dati kung hindi magbasa ng mga makakapal na libro at mag-aral. Pinagkasundo lang naman sila ng mga lolo nila. Yun ang last will ng mga lolo nila sya para makuha ang mamanahing Hacienda niya sa probinsya nila at si Luis naman ay ang kompanya nila at pera nito.

Parehas lang naman silang naipit sa isang sitwasyong hindi naman nila ginusto at hindi din naman nya sinasadyang mahalin ito. Wala na silang magagawa noon dahil parehas nang namayapa ang mga lolo nila at tanging kasal lang ang magpapabisa para makuha nila ang mga mana nila. Nasaad din sa will na hindi sila pwedeng maghiwalay dahil mawawalan uli ng bisa will. Oo nga no? Naalala nya ulit yun. Nakasaad yun sa will! Tingnan mo nga naman mukhang umaayon sa kanya ang pagkakataon.

Back to the story...

Nung makita pa nga sya ni Luis nun at malamang sya ang mapapangasawa parang nasusuka pa ito at diring diri sa kanya. Sya naman unang kita palang nya dito humanga na sya kaagad.

Kaya naman pumayag na syang magpakasal dito kahit alam nyang hindi naman sya magugustuhan nito umasa pa rin syang mamahalin din sya nito.

Pero nagkamali sya...

■■■■■Flashback■■■■■■

"Ano sya ang mapapangasawa ko?! Nagbibiro ka ba Ma? Tingnan mo nga ang itsura nyan maganda pa ang katulong natin eh." Aray! Ang sakit naman nun. Alam naman nyang pangit sya at hindi maganda pero hindi naman sya kailangang ipahiya nito sa mga magulang. Hindi nga nya alam kung bakit ganyan ang ugali ni Luis dahil mukha namang mabait ang mga magulang nito.

"Luis! Stop it!" saway ng daddy nito. Naku buti nalang hindi nya sinama ang mga magulang nya. Kundi magkakaroon ng gera! Dapat pala nag-ayos man lang sya kahit konti para naman hindi sya kalait lait sa paningin nito. Ang ayos kasi nya as usual nyang porma mahabang palda,long sleeves na damit na long neck pa nga. Nakatali ng mahaba nyang buhok. May suot din syang makapal na reading glasses dahil malabo na ang mata. May braces din sya kasi may sungki sya at nakasuot rin sya ng sandals para naman sa paa (malamang -___- )

"Tsk! Dad ano ba naman kasing kalokohan ito?! Bakit kailangan ko pa syang pakasalan para makuha lang ang mana ko?Bigyan nyo nalang yan ng pera!"

Mas lalong sumakit ang kalooban nya. Sya kasi ang unang nag-approach dito para makuha na nya ang mana nya. Naku kung hindi nya lang kailangan ng pera para sa pagpapagamot ng papa nya hindi sya pupunta dito. Kapag nakuha na nya kasi ang hacienda ibebenta nya yun para may magamit sila pampagamot ng papa nya na may sakit na cancer. Nalugi na kasi ang negosyo nila at ang hacienda nalang ang pag-asa nila. Kahit ayaw nyang ibenta yun kailangan nya talaga medyo malaki kasi ang kailangan nila dahil hindi lang naman ang papa nya ang may sakit pati ang nakababatang kapatid nya na si Gigi na may sakit naman na Leukemia.Kapag naibenta na nya ang Hacienda sa America nya ipapagamot ang ama at kapatid. Ayaw naman nyang humingi sa mga sandoval ng tulong o magpabayad dito dahil kapag ginawa nya yun hindi pa rin sapat dahil hindi nya pa rin makukuha ang hacienda.

Yung lang talaga ang paraan para makuha nya ng Hacienda mas malaki ang makukuha nya ron at magagamit pa nya para makapagsimula silang muli.

WILLING VICTIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon