8 years later.
Nakatanaw ako mula sa malayo kung saan makikita ang buong manila. Napakaganda ng city lights. Yinakap ko ang sarili ko dahil naramdaman ko ang lamig dala ng hangin. It's almost midnight, medyo may jet lag pa ako kaya hindi ako makatulog.
"Natasha." Nilingon ko ang tumawag saakin. Nakangiti syang lumapit saakin at may dalang champagne. "Here." inabot nya ito saakin.
Muli kong niyakap ang sarili ko nang muling humangin. "Tsk." Agad nyang hinubad ang coat nya at ipinatong ito sa balikat ko. "You're cold."
"Thank you, Vince." he didn't say anything he just smiled.
Bumuntong hininga ako kaya napalingon sya saakin. "So anong plano mo?" seryosong tanong nya. Kahit kailan ay hindi nya ako tinanong sa mga plano kong gawin pagbalik ko ng Pilipinas. He just know everything....everything in the past.
"Ang mapalapit sa kanila and...make him fall for me." Yes that was my plan. Biglang lumungkot ang itsura nya. I can see that he's not very happy about my plans.
"Come on, aren't you happy for me?" Biro ko sa kanya. Sya naman ang bumuntong hininga. "I don't know Nat, I just know that this isn't going to be good. B-Baka mapahamak ka. Who knows? You told me his capabilities of doing such things."
"Vince, don't worry too much. I can take care of myself. I'll make sure na hindi nya ako makikilala." I work hard para lang baguhin ang sarili ko. My gestures, the way I talk, My identity and MY FACE. Yes, I was Gail Jessica Veloso-Sandoval. I am now Natasha Romanova. And I am now a Doctor.
Vince have influenced me of becoming a doctor.He's already a doctor when I met him, a plastic surgeon specifically. I got into a car accident 8 years ago. Nagkaroon ako ng peklat sa mukha, he offered to fix it. Tinanggihan ko ito instead I told him to change me.
Being a doctor was also part of my plan. Ito ang paraan ko para mabago talaga ang sarili ko. Though hindi madali ang pinagdaanan ko para maging isang doctor buti nalang laging nasa tabi ko si Vince para tulungan ako. I choose pediatrics, dahil tinulungan ako ng mga pasyente ko punan ang pangungulila ko sa mga anak ko.Masaya ako sa tuwing ginagamot ko sila.
Umuwi ako sa Pilipinas matapos kong mabalitaan na bumalik na sila. I think it's time para magtagpo na uli kami.
"What are you doing, Gail?" Nagulat ako ng tawagin nya ako sa tunay kong pangalan. Kaya napalingon ako sa kanya. Hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin. "Alam ko ang lahat ng pinagdaanan mo. At first I just thought you were just a coward to face them dahil ayaw mong malaman ng mga anak mo ang totoo that's why you change yourself for good. Pero magkaiba pala tayo ng iniisip. You are planning to deceive them. What? with your fake self? I'm sure your kids will wanted their real mother not a pretentious one."
"Vince, akala ko naiintindihan mo ako. Kahit kailan hinding hindi mo maiitindihan kung bakit ko ito ginagawa. And please ...never ever call me Gail again it's now Natasha."
"Duwag ka yan ang totoo, Natasha." He emphasized the word Natasha right straight in my face. I know somehow na galit sya. I must know, he knows exactly how it feels to be deceived. His all life was a lie. His mother lied to him and his ex-wife cheated on him with his bestfriend. "I didn't change you para lang mangloko ng tao." Napayuko ako.
"Vince, It's my only way para makasama ang mga anak ko. Alam mo naman na malaki ang galit sa akin ng dati kong asawa di ba?"
He just sigh.
"Yeah right, goodluck with your plans." sarkastikong sagot nya. He didn't even bother to say goodbye. Iniwan nya lang akong tulala.
I'm sorry Vince, pero itutuloy ko pa rin ang plano ko. Matagal kong pinaghandaan ito, ngayon pa ba ako susuko?
BINABASA MO ANG
WILLING VICTIM
Non-FictionMatapos nyang makuha ang gusto nya iniwan nya ako after that night. Hindi ako nasaktan sa ginawa nya sa akin physically.Nasaktan ako dahil iniwan nya ako... 5 years had past at muli syang nagbalik. Pero nagulat sya sa pagbabago ko. Binigay ko ang ko...