Gail's POV
Nakaisip ako ng paraan. Kailangan sa muling pagbisita namin kay Eugene ay maitakas ko na sya.
Siguro naman ay magagawa ko na yun. Gamay na gamay ko na ang mga pasikot sikot sa mansyon. Hihingi ako ng tulong kay Manang Caring kung kinakailangan.
Pinalakas ko ang loob ko.
"Ano handa ka na ba?" Tanong ni Luis na. Nakasuot sya ng simpleng maong shorts at navy blue polo. Napakagwapo nya sa suot nya kahit simple lang ito. Tinanggal ko ang kung ano pa man tumatakbo sa utak ko.
"Bakit nakatanga ka pa dyan?" Mukhang mainit pa rin ang ulo nya dahil sa nangyari kagabi.
"Ah oo, nakahanda na lahat. Nilagay ko na sa kotse yung ibang bagahe."
"Good. Let's go."
Naglakad na kami papuntang lounge area.
Nagulat ako ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Pero hindi sya nakatingin. Mukha syang galit, sinundan ko ang tinitingnan nya. Napapikit ako ng makita ko si Jake. Galit din syang nakatingin saamin.
Lumapit sya saamin. Hinila nya ako pero hindi nagpapigil si Luis hindi nya hinayaang mapunta ako kay Jake.
"Gail, sasama ka saakin." Madiing saad ni Jake.
"At bakit naman sya sasama saiyo? Back off, Dude. She's mine." Sumasakit na ang kamay ko sa kakahila nila. Ako na ang bumitaw.
"Nasasaktan na ako! Ano ako laruan o bagay na pagtatalunan nyo? Para kayong mga bata. Jake hindi ba sinabi ko saiyong okay lang ako? I'm with Luis. Pabayaan mo na ako. Please get out, at sana umalis ka na rin sa buhay ko." I'm sorry, Jake. I'm sorry. Hindi ko gustong saktan ka pero kailangan kong gawin ito.
Nakita ko sa mga mata nya ang pagkagulat at lungkot.
"Hindi mo ba sya narinig o gusto mo pang ulitin ko ang sinabi nya. Pare, umalis ka na daw sa buhay nya." Nang-aasar na saad ni Luis.
"I don't know what are you up to. But what I know is your not in good hands because of this fucking bastard." Sabi nya saakin. "Malalaman ko rin ang totoo Gail, kukunin kita sa kanya."
Napanganga nalang ako sa sinabi nya. Nagmamadaling umalis sya.
"Oh ano kinilig ka naman? Ang sweet nyo naman." Nang-aasar ang tono nito pero alam nyang hindi ito natutuwa. Hindi nalang ako nagsalita. Baka naman magalit nanaman sya.
"Talagang hindi ka titigilan ng lalaking yun no? Mas mabuti pa siguro kung ilayo na kita dito para hindi ka na nya makita at hindi na rin sya makalapit saiyo at kay Eugene."
Medyo naguguluhan ako sa sinasabi nya. "A-anong ibig mong sabihin?"
"May bahay ako sa Greece. Maybe it's better if we live there."
"No." sa isip ko lang dapat yun sinabi pero napalakas yata ang pagsabi ko. Mas lalong mahihirapan kami ni Eugene makawala sa kanya kapag nasa Greece kami.
"Anong sabi mo? I'm not asking you, I'm telling you. Sige kung ayaw mong sumama si Eugene nalang ang isasama ko at magsama na kayo ng lalaki mo. Tutal yun naman yata ang gusto mo right?" Nang-iinis nanaman sya.
I closed my fist. Dadating ang araw na makakaganti rin ako sa lahat ng kasamaan nya. Kailangan magawa ko na ang plano ko bago nya pa mailayo ang anak ko saakin. Hindi ko na sya pinansin. Tahimik lang ako na nagdadasal na sana gumana ang plano ko.
Ilang oras lang ay nakarating na kami sa Batangas.
"Daddy!" agad na sumalubong si Eugene kay Luis. Dedma pa rin ako. Iniisip ko nga kung paano ko maitatakas si Eugene kung ganitong galit sya saakin, hindi ko alam kung anong sinabi nila sa anak ko at ganito nalamang ang galit nya saakin.
BINABASA MO ANG
WILLING VICTIM
Non-FictionMatapos nyang makuha ang gusto nya iniwan nya ako after that night. Hindi ako nasaktan sa ginawa nya sa akin physically.Nasaktan ako dahil iniwan nya ako... 5 years had past at muli syang nagbalik. Pero nagulat sya sa pagbabago ko. Binigay ko ang ko...