4

8.9K 353 20
                                    

KABANATA 4

Rose




Habang nagmamaneho si Sebastian ay hindi maalis sa isip niya ang humanga kay Sofia. Cool na cool lamang palagi si Sofia. Ni hindi man lang niya kinakitaan ng takot ang bodyguard niya ng halos labing dalawang baril ang nakatutok sa dalaga kanina sa basement. Ni hindi manlang nagulo ang buhok nito kahit pa natapunan ng kape ang suot ay naroon parin ang kagandahan nito kahit may namumuo na inis. Napangiti si Sebastian, Anong dahilan ng mga ngiti ko? Pinilig ang ulo. Hindi ito dapat niya nararamdaman.




Nang maipadara ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant ay luminga pa siya upang hanapin si Sofia pero wala ito. Naroon na si Elainne ng dumating siya. Lumapit si Sebastian sa nobya at humalik sa pisngi nito. "Hello, Babe. Sana hindi kita pinaghintay ng matagal." Naupo si Sebastian sa tapat ng nobya.




"Hindi naman, pero nagorder na ako para sa atin." Ani Elainne. "I ordered potato salad for both of us at steamed fish for main course. White wine na lang ang inorder ko." Inayos ng nobya ang napkin. "Okay na ba sayo ang ripe mango for dessert?"




Tumangu tango na lamang si Sebastian. Gutom na gutom na siya. Gusto sana niya ng garlic tenderlion steak at dalawang servings ng kanin ngunit bigo ata siya sa kagustuhan dahil naunahan na siya ni Elainne na umorder. Isa pa'y modela ang kanyang nobya kaya talagang nagdadiet ito ng husto.




Nagpapalitan sila ni Elainne ng mga sweet nothings ng maalala ni Sebastian ang bodyguard. Siguradong nandito na 'yon. Saan kaya nakaupo? Aniya sa isip. Nagpalinga-linga si Sebastian pero hindi niya makita ang hinahanap.




Napansin naman ng nobya ang kanyang ginagawa, "May hinahanap ka ba?" Tanong nito, "kanina ka pa lingon ng lingon."




"Ah, wala naman. Naghahanap lang ako baka may kakilala tayo." Pagsisinungaling nalang ni Sebastian sa kasama.




"There, sa likod mo, si Nicollo Montero and his wife Bella." Anang si Elainne.


The Billionaire's Son (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon