KABANATA 13
With You
Nagmulat ng mata si Sofia dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Humikab siya at napahawak sa katawan. Nanlaki ang mga mata niya ng mapagtantong wala pala siyang saplot at tanging kumot lamang ang nakabalot sa kanyang kabuoan. Noon niya naalala ang nangyari kagabi. Napabalikwas siya ng bangon. Napatingin sa kanyang relo.
"Oh my-"
"Good morning." Nakangiting bungad ni Sebastian. May dala pa itong tray ng pagkain. Alas diyes na ng umaga kaya pala kakaiba ang sikat ng araw na dumadampi sa kanyang balat.
"Ah-eh..." Hindi mapakaling sabi nito na hindi makatingin sa mukha ng binata. Mukhang masaya ata ito na hindi maintindihan kung anong kasiyahan ang nakalakip sa bawat ngiti nito.
"Are you okay? Nagdala ako ng food... Hindi na kita nagising kanina."
"I'm okay." Tumayo siya dala dala ang kumot at dali daling pumasok sa banyo. Alam niyang namumula ang mukha niya sa hiya.
"What are you doing, Sofia?" Inis niyang sabi sa sarili na nakaharap sa malaking salamin habang titig na titig sa kanyan katawan. Hindi niya magawang mapakalma ang sarili. Naiinis siya sa kanyang sarili. Gusto niyang maiyak sa inis o sa tuwa? Bakit? Napasigaw siya sa inis.
"Sofia, okay ka lang ba?" Pagaalala ni Sebastian mula sa labas.
"O-oo, okay la-lang ako..." Pinigilan niyang mapahikbi.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Son (Completed)
RomanceDahil sa mga death threat na natatanggap ni Don William Alonzo ay kumuha siya ng security escort para sa anak niyang si Sebastian Alonzo. Nagulat si Sebastian nang ipakilala sa kanya ng ama ang magiging bodyguard niya, Si Sofia De Guzman. Mataman ni...