BONUS CHAPTER
The Heirs
Mula sa bintanang kawayan, tanaw ni Sofia ang kanyang asawa habang buhat nito ang bunsong anak na naririnig pa niya ang pagtili. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti habang pinagmamasdan ang kanyang masayang pamilya. Lumabas siya sa kubo at lumapit sa dalampasigan. Nilingon niya si Stephen na nakaupo lang roon na abala sa kanyang cellphone.
Naiiling siyang naupo din sa buhangin, sa tabi ni Stephen, "Hey, sweetheart..." Ginulo niya ang buhok nito kaya naman napatunghay ang anak.
"Don't touch my hair, Mom..." Walang emosyong pagbabanta ng anak.
Napangiti siya, "Hay nako, Anak... huwag ka ngang masyadong seryoso. Enjoy, do what ever you want habang bata ka pa, Stephen..." Tinitigan lamang siya ng anak bago bahagyang tumango.
Nagbalik ang mga mata ni Sofia kay Sebastian at Solana na ngayon naman ay masayang nagtatampisaw sa dagat. Ngumiti siya at muling inalala ang ilang taong pagsasama nila ni Sebastian. Masaya siya sa piling ng asawa. Natupad ang magarbong kasalan na napapanood lamang niya sa mga teleserye. Well, she can do it naman... ang kaso nga ay sino ba ang pakakasalan niya para matupad iyong mga expensive na wedding-ganap na ganoon? Mabuti na lang at dumating si Sebastian sa buhay niya. Magulo noong una, nakakatakot, nakakakaba.
Malayong malayo ang buhay niya sa buhay na mayroon siya ngayon. Noon, sunod sunuran lamang siya sa mga mayayamang amo. Sa anak ng mga milyonaryo, bilyonaryong pinaglingkuran niya, at kay Sebastian na ngayon ay asawa na ni Sofia, bilog pala ang mundo. Ano pa bang mahihiling ng isang tulad niya na simple lamang kahit na may sinabi rin naman sila sa buhay. Makatutuhanan nga iyong kasabihang 'Money can't buy happiness' at napatunayan niya iyon mula ng ikasal siya kay Sebastian. Hindi matutumbasan ng kahit anong halaga ang pagmamahalan nilang dalawa. Hindi mabibili ng salapi ang oras tuwing magkasama sila, tuwing masaya ang pamilya niya.
Gusto niyang mamuhay ang mga anak niya sa payapang kapaligiran. Iyong malayang nakakalabas ng bahay, iyong hindi tulad ng kanyang asawa noon. Baka hindi niya kayanin kung matutulad si Stephen at Solana kay Sebastian. Baka hindi niya mapigilan ang sarili at makapatay pa siya. Matagal na niyang tinalikuran ang ganoong trabaho. Nangako siya kay Sebastian na hindi na muling babalik sa pagiging security escort... pero kung matutulad lamang ang mga anak niya sa kanilang ama, baka siya na mismo ang maging security ng dalawa niyang anak.
Tumayo si Sofia at lumapit sa mag-ama, "Hon, tama na 'yan!" Sigaw niya, "Solana, come here! Umahon na kayo! Malamig na!" Gusto niyang matawa ng sumimangot ang bunsong anak.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Son (Completed)
RomansaDahil sa mga death threat na natatanggap ni Don William Alonzo ay kumuha siya ng security escort para sa anak niyang si Sebastian Alonzo. Nagulat si Sebastian nang ipakilala sa kanya ng ama ang magiging bodyguard niya, Si Sofia De Guzman. Mataman ni...