Third person's
" Umalis ka dyan Wonu, ako dapat dyan. Ano alam mo kung san tayo pupunta ha? " Sabi ni Coups kay Wonu na ngayon ay naka-upo sa tabi ni Mingyu na driver nila.
" Ohloel, para namang tong driver hindi alam yung ruta ng pupuntahan nya. " Sagot naman ni Wonu habang kumakain ng burger. Tumango-tango na lang si Mingyu bilang pag-sangayon.
" Aba sumagot pa eh. Dun ka sa tabi ni Jeonghan! "
" Lul, yoko. "
" Bayaan mo na gilags hyung tabi ka na lang kay Han hyung para maka-alis na tayo. " Sambit ni Hoshi kay Coups habang niyayakap si Woozi ng mahigpit." Sige, pero wag mong pipiin si Woozi. Nakabusangot na eh. " Sabi Coups hyung habang tumatabi sa tulog na si Jeonghan.
" Okay lang yan~ Diba bebeboiii? " Sabi naman ni Hoshi tas kinindatan si Woozi.
" Tangina mo, napipipi na nga ako. Punyeta kumindat pa wala na ngang mata leche. " Pangsusungit ni Woozi at tumingin sa bintana ng sasakyan.
Maya-maya ay gumalaw na ang kanilang sasakyan, hudyat na aalis na sila. Agad na ipinikit ni Woozi ang kanyang mata at pinatong ang ulo sa balikat ni Hoshi. Nag-hum naman si Hoshi para patulugin si Woozi.
" Beh, yung unan ko akin na! "
" Shatap, unan ko toh hmp. "
" Putangina mo, punda lang yung iyo dyan! "
" Ewwwww! "
" Bakit na naman ew?! "
" May laway na sya eeeew! "" Punyeta mag-patulog kayo! " Sigaw ni Woozi habang nakatingin ng masama kay Seokmin at Seungkwan.
" Ji tulog ka na lang. " Bulong ni Hoshi kay Woozi at inilagay ulit ang ulo ni Woozi sa balikat ni Hoshi.
" Oo na buset, malandot ka talaga. " Sambit ni Woozi bago ipikit ang kanyang mata.
BINABASA MO ANG
missing ໒ soonhoon
FanfictionTrip to somewhere with the barkada sana pero mukhang napasama dahil sa pagkawala ng dalawang binatang nagliligawan. Si Soonyoung at Jihoon. Date start [09.02.17] - Revising [05.20.20] Date end [10.18.17]