" Bebelabs q, kwento ka naman! " Sabi ni Soonyoung habang inayos yung unan nya sa tabi ni Jihoon na ngayo'y nakahiga.
" Kwento ko kung pano mo nakuha tong blanket saka unan? " Sagot naman ni Jihoon kaya napabusangot si Soonyoung.
" Yan ka na naman eh! "
" Wala akong iki-kwento. "
" Edi ako na lang magku-kwento! " Naka-ngiting sabi ni Soonyoung saka tumabi kay Jihoon.
" Hindi ayoko! Matutulog na ko! " Sambit ni Jihoon at agad na kinuha ang kumot.
" Iku-kwento ko kung pano ako nagka-gusto sayo~ " Sabi ni Soonyoung at agad hinila ang kumot kay Jihoon.
" Punye- "
" Nakita kita nun sa cafeteria na pinagta-trabahuan ko nun. Alam mo ba, parang tumigil mundo nung nag-order ka! Yung may hart hart pa sa gilid hihihi. "
" Ilang ulit- "
" Sabi ko sa sarili ko nun, kahit anong mangyari aalagaan kita. Hindi kita sasaktan. " Napatahimik naman si Jihoon dahil sa sinabi ni Soonyoung dahil ngayon nya lang narinig ito.
" Ituturing kitang pinakamahalagang tao na nakilala ko. Po-protektahan kita, kahit ako pa yung mapahamak. Mas gugustuhin ko pang mawala na lahat wag lang ikaw. " Napa-ngiti naman si Soonyoung at tumingin kay Jihoon.
" Tulog na pala. " Kinumutan nya agad si Jihoon at hinalikan sa noo ito.
Kumuha sya ng pamaypay at pinaypayan ang nakababata.
" Good night bebelabs. " Dugtong nito saka inihipan ang apoy ng lampara saka natulog.
BINABASA MO ANG
missing ໒ soonhoon
FanfictionTrip to somewhere with the barkada sana pero mukhang napasama dahil sa pagkawala ng dalawang binatang nagliligawan. Si Soonyoung at Jihoon. Date start [09.02.17] - Revising [05.20.20] Date end [10.18.17]