21

186 4 2
                                    

" Kanina pa tayo dito naglalakad, hanggang ngayon wala pa din tayong nahahanap na mapa! " pagmamaktol ni Soonyoung sabay upo sa isang malaking bato.

" Kanina tuwang-tuwa ka tas ngayon magdadabog ka. Abno. " Bulong ni Jihoon sapat na para marinig ng singkit na binata.

" Eh kasi, malay ko bang di pala madaling hanapin yun mapa! Gutom na gutom na ko oh huhuhu. "

" Maghintay ka! Kakain din tayo! "

" Ha? Kakainin kita? Myghad bebe boi! Wag ditooo, malamoook! "

" Tangena, pakain ko sayo tong bato ng manahimik ka. "

" Ito na nga po eh shattap na. " Sambit ni Soonyoung sabay takip ng bunganga.

Napa-irap na lamang ang pandak saka tumingin sa paligid. Maya-maya ay may nahagip ang kanyang mata.

" Uy, may kubo dun oh! " Turo ni Jihoon sabay kalabit kay Soonyoung.

" Baka may nakatira dyan! " Sagot naman nito.

" Sa gitna ng gubat? Seryoso ka? "

" Malay ko lang naman diba? "

" Sige na! Tignan mo na yun! "

" Ayokoooo! Mamaya andyan pala si sadako tas gugulatin nya ko tas papatayin gamit yung balon nya! "

" Gusto mo ako humulog sayo sa balon ha? "

" Lalarga na akech bebe kou, babush! " sagot ni Soonyoung sabay punta sa kubo na tinuro ni Jihoon.

" BEBEBOI! ALANG TAO! TAS MAY PUDS! ARAMI PUDS! " Biglang sigaw ni Soonyoung kaya napabalikwas ng takbo si Jihoon.

" Asan na yung- Waw ha? Ikaw pa naunang kumain? Ang baboy mo. " sambit ng pandak habang pinapagalitan ang singkit na binata na ngayo'y kumakain ng matiwasay.

" Hihihihi sabi nya kasi love ako ng puds, kaya kinain ko! Nyam nyam nyam~ "

missing ໒ soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon