Chapter 21:The Last Warning By Me(Part II)

63 0 0
                                    

Chapter 21:The Last Warning By Me(Part II)

Ahron Carlisle Cortez's POV

(Yun part na umalis na si Ahron sa scene nang nasa ospital pa si Cass)

Pagkatapos kong magwalk out kanina dahil sa guilt ko,dumeretso ako sa bar.Mula nung nakasama ko sina Zach,eto na ako ngayon.Kapag problemado dumederetso ako dito sa bar na ito.Naiinis ako sa sarili ko kasi hinayaan ko si Cass na saktan ng matalik kong kaibigan.Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko man lang mailigtas si Cass.

"Ohhhh,boss nandito ka?Matagal tagal ka ng hindi pumupunta dito.Problemado ka ano?"tanong sa akin ni Jack.Nung una,palagi akong napaparito dahil sa babae,at alak.Pero nung naging kami ni Monique,hindi na.Saka lang ulit ako pumupunta dito kung problemado ako.

"Oo,problemado ako.Bigyan mo ng ako ng isang bote Jack."utos ko sakanya.Agad agad naman siyang kumuha ng isang bote ng alak.

"Bakit boss?Anong nangyari at ngayon ka lang nagkaproblema at matindi pa?"tanong sa akin ni Jack.Ininom ko muna yung alak.

"Alam mo ba???Ang sama sama kong kapatid Jack.Wala akong kwentang kapatid"sabi ko sakanya.

"Huh?"nagtataka nitong tanong sa akin.Inutusan ko ulit siyang kumuha ng isang boteng alak.

"Napakawalang kwenta kong kuya para sa kapatid ko.Wala man lang akong magawa para iligtas siya.Hindi ko man lang mapigilan ang gagong kaibigan ko."paliwanag ko.Tango lang siya ng tango.Nakikinig lang siya.

"Ano bang nangyari boss?"-Jack

"Anong nangyari?Hah!Muntik ng mamatay ang kapatid ko.Hahahahahah,hindi ko siya nailigtas sa masama kong kaibigan.Dahil sa ako itong si tanga,palaging bumubuntot sa kanya.Alam mo ba na isa ako sa mga bully ng sarili kong kapatid?Hahahahahaha,oo tama ka.Isa nga ako.Palagi kong sinusunod ang kaibigan kong si Zach.Hindi ko siya kasama ngayon kasi ayun pinapagalitan ni papa.Hahahahah,hindi ko man lang nailigtas ang kapatid.Kahit konti."sabi ko sakanya.Para akong baliw dito,umiiyak na tumatawa.Wala ehh,hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko.Dito ko na lang ibubuhos lahat ng katangahan ko at kagaguhan ko.

"Boss,alam mo???Ganyan din ako nung bago palang ang kapatid ko sa pamilya namin.Ayoko sakanya nung una,pero habang tumatagal narerealize ko na talagang para sa akin si Jackie.Noong bata kami hinahayaan ko siyang bulihin nila.Pero ipinaliwanag sa akin nina nanay at tatay ang kahalagahan ng pamilya at pagmamahalan.Alam mo boss???Parang parehas tayo,ang pagkaibahan lang isa ka sa bully ng kapatid mo."sabi ni Jack.Tumango ako sakanya saka ko itinomba yung isang baso na puno ng alak

"Boss,madadaanan mo ang mga iyan.Katulad ko.Ohhh diba?Basta turuan mo ang sarili mo,na mahalin ang iyong kapatid at gawin ang makakaya mo upang protektahan siya."payo ulit niya sa akin.Hindi ko alam kong bakit ako nagkakaganito.

After 1234567890 hours later

"Boss tama na ohhhh,lasing na lasing ka na."sabi sa akin ni Jack.

"Bigyan mo pa ako ng isa Jack.Kaya ko pa tohh"pagpupumilit ko sakanya.Nakakailang bote na ako ng alak.

"Ahron???"naalimputangan ako ng marinig ko ang boses na yun.Siya ba talaga yan???

"Ahron,naglalasing ka na naman.Ano ba ang ginagawa mo???"tanong niya sa akin.Tinignan ko siya para sigurado akong siya nga yung nasa harapan ko ngayon.

"Ahron tama na!"sabi niya sa akin.Hindi ko siya masyadong makita dahil nagblublurred na ang vision ko.

"Monique???Ikaw ba yan???"tanong ko sakanya.Hindi siya sumagot,kundi hinawakan niya ako.

"Alam kong hindi ko dapat ito ginagawa Ahron pero,lasing ka na ehhh."sabi niya sa akin.

"Monique,balikan mo na ako please"after kong sabihin yun,nagdilim na ang lahat lahat.

Never EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon