Chapter 50:A heartbreaking momment
Ahron John Carlisle Jayden Nicolas Cortez' POV
Nalaman ko ang lahat nang nangyari kagabi nang sabihin aa akin ni Zaire ang lahat.Hindi ako galit kaninuman,pero may parte sa katawan ko na gusto niyang suntukin si Zach sa ginawa niya sa kapatid ko.
Nakita ko na din ang sinabi ni Cass kahapon nang makita ko na galing siya kina Zach.Nung makita namin yun hindi ako nagalit kay Zach.Nabigla ako oo,pero hindi ako nagalit.Nagtungo kami agad nina Denver at Tyler sa baba.
Nasa bahay na si Cass,binabantayan siya ni Zaire sa kwarto nito.Ipinagkaloob ko na si Cass noon kay Zaire at alam ko na kayang alagaan ni Zaire si Cass,at alam ko na mahal na mahal niya ang kapatid ko.Pero nang dumating si Zach sa buhay ni Cass,parang iba ang pakiramdam ko kay Zach.Pero akala lang pala yun.Sinaktan na niya ang kapatid ko.
Napagdesisyonan ko na bigyan ng pagkakataon si Zaire.Sa ginawa ni Zach parang wala na akong tiwala sa kanya bilang tagapangalaga sa kapatid ko.Pero mananatili siyang kaibigan ko.
"Anak,kamusta na ang kapatid mo?"tanong sa akin ni Mom.Nalaman na din nila ang lahat,galit si papa sa nalaman nito.
"Okay na din naman siya mom.Kasama niya sa taas si Zaire.Inaalagaan niya si Cass."sabi ko.Tinignan ko si papa at parang gusto niyang sumuntok.
"Dad,alam kong galit ka.Pero nandiyan na si Zaire.Napagdesisyonan ko na si Zaire na ang boto ko para kay Cass.Pero mananatili na kaibigan ko si Zach"sabi ko kay dad.
"Kung ano ang sa tingin mo na makapagpapabuti sa kapatid mo Ahron,susundan ka namin nang mom niyo.Galit talaga ako sa batang yun.Akala ko maaalagaan na niya ang kapatid mo.Putek,nakakainis."galit na tugon ni Dad.Napatawa na lang ako sa inasta niya.
"Ako din naman Hon ehhh galit kay Zach.Sinaktan niya ang nag-iisa natin anak na babae.Hayyys,sana nga okay na si Zaire para sa babygirl natin"pambababy ni mama kay Cass.
"Ma,may pupuntahan lang ako ha???Susunduin ko si Monique sa Palawan kasi may shoot daw sila doon."paalam ko sa dalawa.
Tinapik ni papa ang balikat ko.
"Mag ingat ka anak ha?"sabi nito.Tumango naman ako.
Aalis na sana ako,pero tinawag ako ni mama.
"Oo nga pala anak,nakita ko sila ni Marco kahapon.May alam ka ba sakanilang dalawa?"tanong ni mama.Nang marinig ko na magkasama sila ni Marco,parang may naramdaman ako na hindi maganda.
"Wala naman ma.Sige mauna na ako."sabi ko saka na ako umalis.
Nakakapagtaka na magkasama silang dalawa?Ehhh,nasa palawan si Monique???Baka naman magkatrabaho silang dalawa?Ohhh,kaya naman???........
Hindi,hindi yun maaari.Alam ko na mahal ako ni Monique.
Then biglang nagsink in sa utak ko ang mga sinabi ni Cass noon.
"Wake up"
Shit!!!
Pinaandar ko ang sasakyan at nagderetso sa bahay nina Monique.
Wala siya doon,pumunta na ako sa Palawan.
Hindi maaari ang naiisip ko ngayon.Hindi magagawa sa akin yung ni Monique.
Riiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnngggggg!!!
"Hello?"sabi ko sa telepono.
"Ahron,nasaan ka ba?"si Denver ang nasa linya.
"Papunta ako sa Palawan,bakit?"tanong ko.
"Gusto kang kausapin ni Zach"sabi nito.Magkakasama sila?Ako na naman ba ang wala?Tsssk,ang tatlong mokong na yun.
BINABASA MO ANG
Never Ever
Ficção Adolescente"Mahal kita Cass.And I won't let you go.Never Ever" A/N:UnongAlas
