Chapter 42:Pat's feelings

59 0 0
                                    

Chapter 42:Pat's feelings

Cassandra Cortez' POV

Kasalukuyan akong nasa Starbucks kasama si Pat.Ewan ko,basta dinala na niya lamang ako dito.Heto kasi ang nangyari.

Flashback

Kasama ko si Zach na naglalakad,kakatapos kasi ng meeting namin sa office.Ewan ko pero ang higpit ng kasama ko ahh,hawak hawak niya ang kamay ko.Hinila kasi ako nung lumabas na kami ng room.

"Cass,oo nga pala bat wala ka sa third period kanina?"tanong nito.Sasabihin ko ba ang totoo sakanya?

"Ehhh,kasama ko si Carl."naghihinayang kong sagot.

"You skipped a class,akala mo ba makakaganda sayo yan???"seryoso niyang sabi.Ibinaba ko ang ulo ko.

"Cass naman,ikaw ang tinitingalang valedictorian ng school,dont again skip classes okay???"sabi niya na parang may halaga talaga ako sakanya....Hanggang kaibigan lang naman ang halaga na yun ahh.

"Just please."I nodded to him.

Papauwi na sana ako kasama si Zach kasi ihahatid daw ako nang nakita kong papalapit sa amin si Pat.

"Uhhm,Zach pwedeng hiramin ko muna si Cass?"tanong nito.Tinignan ko si Zach,huminga siya ng malalim.

"Siguraduhin mong iuuwi mo siya ng maaga Pat.Heto,may tiwala ako sayo."concerned niyang sabi.Lumapad naman ang ngiti ni Pat.

"Salamat Zach"

"Walang anuman.Cass mag-iingat ka ha?"malambot nitong sabi sa akin.

Ngumiti ako.Mukhang nagugustuhan ko ang inaasta ngayon ni Zach.Parang isa siyang nobyong protective..

Wait what?!

"Cass sa starbucks tayo ahh???"sabi ni Pat.

"Sige."tsaka kami umalis.

End of flashback

Kaya ngayon nasa starbucks kami.Hinihintay ko si Pat kasi siya ang nagorder.Haha.

May napansin nga akong kakaiba sakanilang lahat ehh....Si Carl,tas si Zach ngayon si Pat naman.Ang weird ng mga kaibigan ko ngayon.Tas yung mga babae naman ewan ko wala sila ngayon.Hindi ko kasi sila nakita nung uwian.

"Cass"tawag sa akin ni Pat.Nandito na pala siya bitbit niya ang mga pagkain.Umupo siya sa harapan ko.

"Ohh,bat mo naman pala ako dinala dito pat??"nagtataka kong tanong saka ako sumubo ng cookies and cream cake.

"Kumain muna tayo.Saka ko na lamang sasabihin sayo.Pupunta pa tayo sa treehouse."sabi nito.Sa treehouse,sa bahay nila?

"Uyy,miss ko na pumunta dun.Salamat ahh."saka na namin pinagpatuloy ang kumain.

Ang ginawa lang namin ni Pat is nag-usap habang kumakain.Namiss ko na din kasi siyang kasama.Matagal tagal na din kasi naman nabubusy na ako at minsan hindi na kami nagkikita.

"Tara na???"tanong nito sa akin ng matapos na kaming kumain.Ngumiti na lamang ako sakanya.

Papunta na kami ngayon sa bahay nila,pero bago pa man kami magpatuloy may nadaanan kaming bookstore.

"Tara bili tayo???"aya ko.Pumasok kaming dalawa sa loob at manghang mangha kong tinitigan ang lahat ng mga librong hindi ko pa nakikita....Ngayon ko lamang ito na kita.

"Pat,bili tayo.Iba ang mga librong ito."sabi ko sakanya.Laking mangha ko nung makita ko na si Pat na nasa tabi ko at may hawak nang basket na puno ng libro.Take note,dalawang basket ahh.

"Kanina pa ako nakapili baliw.Masyado ka kasing namangha.Hahaha"tawa nito.Mahina ko siyang pinalo sa balikat.

"Tara nat bayaran na ang mga ito para naman makapunta na tayo sa bahay"sabi niya.Tumango ako at saka kami nagtungo sa cashier upang magbayad.

May isang libro na nakakuha ng aking paningin.Tila ba inaakit ako ng librong ito.Nagpaalam ako kay pat para aking malapitan ang libro.

"He is in love with you"

Ang pamagat nito ay yan...He is in love with you...Volume one ito,kumbaga marami pa ang volume nito.Ang nasa harapan ko ay volume one hanggang seven.Kinuha ko itong set ng libro at inilagay sa basket ko.

"Akala ko hindi ka na babalik.Haha,heto nabayaran ko na yung akin"ibinigay niya yung card niya sa akin.

Pagkatapos naming bumili ng libro nagtungo na kami sa bahay nila.Kay ganda parin nito kahit papaano.Malinis,tahimik at medyo may kalamigan.Hindi na ako pumasok sa loob pa kasi nagderetso na kami sa treehouse.

Ang bahay nina Pat ay malapit sa sapa,kumbaga sa treehouse nila makikita ang kabuuan ng village na kinaroroonan ng bahay nila.Medyo may kalayuan ang village nila sa amin,pero kahit papaano maganda dito at tahimik.

Sa treehouse,marami ang nagbago simula nung huli akong nagpunta dito.Iba na ang kulay at design nito.Noon,puro tiles,ngayon tinted glass na.

Yung bubong nito ay iba na rin ang kulay,pati ang cemento na nilalakaran namin ay may tiles na rin....

"Pat,ang ganda pa rin dito."sabi ko.Namamangha pa rin ako sa view na nakikita mula rito.Kitang kita ang kagandahan ng village.

"Cass,matagal ka na ngang hindi nakapunta dito ehh"sabi nito.Kumuha siya ng dalawang upuan at itinapat ito sa kinaroroonan namin kung saan makikita ang kabuuan ng village.

Umupo kaming dalawa at sabay pinagmasdan ang kagandahan nito.

"Cass,namiss ko yung ganito tayo palagi noon."sabi ni pat.

"Hindi lang naman ikaw ehh.Magmula nung umalis ka,pumupunta din ako dito pero hanggang sa labas lamang."paliwanag ko sakanya.Kay lapit ng mga upuan namin sa isat isa.Sanay na din naman kami ehh.

"Alam mo bang bago ako umalis noon ay may iniwan akong sulat??Subalit hindi ito naibigay saiyo???"tanong niya.Binigyan ko siya ng "ano?" look.

"Ibinigay ko ito kay Aleng Pura.Dun sa kapitbahay,pero hindi niya naibigay kasi nawala niya ito."sabi niya.Napa "ahhh" na lamang ako sabay tango.

"Salamat pala sa libre mo ahh???Buti na lamang at nagkaroon na naman tayo ng ganito."sabi ko habang nakangiti.I miss the old times.

"Oo nga ehh.Hindi na din tayo nagkikita kasi ang dami dami na nating ginagawa."

Napatango na lamang ako sa sinabi niya.Napatingin ako sa langit,ang daming mga bituin ang kumukutitap.May isang bituin na biglang kumislap ng napaka ganda.Pumikit ako.

Unti unti,may naramdaman akong mga kamay na humawak sa kamay ko.Binuksan ko ang aking mga mata at nakita kong si pat iyon.

"Cass,may sasabihin ako."panimula niya.I didnt say anything,which made him continue.

"Mula noon magkasama na tayo.Hindi na nga tayo mapaghiwalay noon eh...Hahaha,ang saya kasi hanggang ngayon heto tayo masaya pa rin kahit na alam natin na mahirap na.Lalo nat magcocollege na tayo.Cass,kung ano man ang sasabihin ko huwag ka sanang magbabago ng pakikisama sa akin."sabi nito.Napagtanto ko na parang alam ko na ang sasabihin niya kaya napapangiti na lamang ako.

"Cass,I truly like you.A lot.Since we were in grade school,I started to have feelings for you..."he said.As I thought.

"Pat,dont worry.Its all normal.Matagal ko na din napapansin pero hindi ko lang pinapahalata."sabi ko saka ako ngumiti sakanya.

"Pat,alam mo mahal kita.Pero sa ibang paraan.You're like my second brother."nung sinabi ko iyon nakita ko ang pagbabago ng mukha niya.Parang nasasaktan ang ekpresyon niya ngayon.

Bumuntong hininga ako.

"I am not stoping you to like me though"sabi ko....He looked up.

"I knew it.Thank you Cass.Sa lahat"then he hugged me.I hugged back.

Sana wala akong nasasaktan...Dalawa na ang nagconfess.

Sino ang susunod???

Mayroon pa ba???
______________________________
Chapter 42:Pat's feelings
Done
To be continued:Xander's Heart

Never EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon