Chapter 36:Having fun

66 3 0
                                        

Chapter 36:Having fun

Cassandra Cortez' POV

Kasalukuyan akong nasa companya ngayon.Hayys,kailangan ko daw magtraining sabi ni mama tsaka papa.Pinagtraining na nila ako sa America noon pero kailangan ko pang magseminar dito???Nakakainis diba?

"Cass,be formal towards the owner okay???Kailangan mong maging seryoso."sabi ni mama.I just nodded in response.

"Andyan na sila.Be ready everyone."sabi ni papa.I stood up straight and did what I learned.

Nagsidatingan na din yung mga bisita.

.........

.........

..........

.......

"Carl!?"
"Cass!?"

At sabay pa kaming nagsalita???

"Bakit ka andito???"tanong ko sakanya.

"Kaya kami nagmove dito sa Pilipinas para sa work ng family ko.Kayo pala yung makakasalamuha namin."sabi nito.Napangiti ako knowing na kilala ko naman yung buseness partner namin.

"Magkakilala pala kayo?"tanong sa akin ni papa bago kami umupo.

"Schoolmate pa.Tsaka nakilala ko siya sa America noon"sabi ko kay papa.

"Okay,magsimula na tayo."and then nagdiscuss na sila about sa company.

Ang dami dami kong nalaman about kay Carl.Mayaman pala sila tulad namin.Pero again walang makakatalo sa Cortez.....Hahahaha boastful much?Pagbigyan niyo na ako.Okay,at nalaman ko na nung nasa America kami nagkakilala din doon ang mga parents namin.

Actually hindi kami nakikinig ni Carl sa mga sinasabi ng mga superior.Hahaha,naguusap kami ng pabulong para hindi kami mahuli.

"Okay,titigil na ako dito.Maaari bang magusap usap tayong lahat tungkol sa isang bagay na gusto at matagal ko nang gustong sabihin sa inyo?"sabi ng papa ni Carl.Napatingin kaming lahat sakanya.

"Ano naman iyon Mr.Pelaquin?"tanong ni papa.Huminga ng malalim si Mr.Pelaquin.

"Why not iarrange marriage ang mga bata?"tanong nito.

"What?!"sabay naman naming sigaw ni Carl.Hindi pwede!!!!

"Hindi iyon maaari!!!!"sigaw ulit naming dalawa.But inside nakikita ko na gusto ni Carl yung plano ng family niya.Pero bakit pinipigilan niya tulad ko???

"Bakit naman hindi??Magkakilala naman kayo,Close pa kayo sa isat isa.Ano pa ba ang hahanapin ko?Besides its for our colliding companies"sabat ni papa.Tinignan ko siya.

"Papa hindi ako papayag.Magkaibigan kami lang ni Carl.Wala nang iba"sabi ko.Tinignan ko si Carl.Yung expression niya.Parang...........nasaktan siya sa sinabi ko.......parang.

"Okay if you say so children.Sige magpahinga muna kayong dalawa.Marami na kayong nagawa ngayong araw."sabi ni mama.Tumango na lamang ako.Nakita ko si Carl na siyang naunang lumabas.Sinundan ko siya.

"Carl!!!"sigaw ko pero hindi siya tumitingin?Bakit?Ayaw niya ba na hindi ako nakasal sakanya o gusto niya yung plano ng papa niya kanina?

"Carl saan ka pupunta?!"sigaw ko ulit pero hindi pa rin talaga tumitingin.

Buti na lamang at naabutan ko siya.Tsssk,bat ba kasi ang bilis netong maglakad???

"Halika nga.Bat ka ba nagagalit?"tanong ko sakanya.Hindi ko naman nakikita sakanya na galit siya ehh....Yung mukha niya....Sad yung expression niya.

Never EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon