Chapter 55:A camp out pt.III

49 2 0
                                    

Chapter 55:A camp out pt.III

Cassandra Cortez' POV

Mag 8 na ng gabi.Kailangan nasa quadrangle na kami kasi magsisimula na mamaya ang campfire.Kasalukuyan akong naghahanda ng blanket tsaka tubig.Si Zaire naman,nagtitimpla ng kape namin.

Habang may ginagawa kami ni Zaire lumapit si Xander na kinaroroonan namin.

"Zaire,kausapin ko lang si Cass pwede?"tanong nito.Pumayag naman si Zaire.Dinala ako ni Xander sa isang lugar na tahimik.

"Bakit mo naman ako kailangan Xander?"

"Cass,nalaman ko na ang lahat.Okay ka lang ba?Alam mo gusto kong suntukin si Zach ngayon.Pero hindi ko magawa."

"Okay na din naman ako Xander.Mali lang talaga ang mga desisyon ko noon.Akala ko nga siya na ehh"

"Alam mo,nasaktan kami nina Pat,Carl,ako tsaka si Daniel ng malaman namin na si Zach yung pinili mo.Pero ano???Heto sinaktan ka niya."

"Ano ka ba,okay na ako nohh.Nandito na din naman si Zaire"

"Nais na nga sana kitang agawin kay Zach.Pero hindi ko nagawa.Ngayon kapag sasaktan ka na naman ng ugok na yun,makakatikim na siya sa amin"

"Nako Xander.Tara na nga doon.Salamat ha?Tsaka pasensya na.You will still be my dance partner"

Bumalik na kami sa tent.Doon nakita ko na magkasama si Zaire tsaka Zach.Parang nag aaway pa nga ang dalawa ehh.

"Uhmmmm,mauna na ako.Hahahaha,bahala ka na diyan"sabi ni Xander tsaka umalis.Wow ha???Pano kapag nagsuntukan ang dalawang to??.

"Zaire"

"Cass"

"Anong ginagawa mo dito Zach?Umalis ka na"sabi ko.

Lumapit ako kay Zaire tsaka ako humawak sakanya.

"Kinakausap ko lang si Zaire.Mauna na ako"malamig nitong sumbat.Umalis na kaagad siya pagkatapos niyang sabihin yun.

"Okay ka lang?"tanong ko kay Zaire na kanina pa kinakabahan at nalulungkot na parang timang.Hinawakan ko siya sa mukha.

"Shhhh,tahan na."saad ko saka ko siya hinalikan sa labi.

"Loko din pala yang ex mo."sabi nito.Niyakap ko siya tsaka ko pinatahan.

Ano ba kasi ang ginawa ni Zach dito???Nababaliw na ba yun??Tsssskk.

"To all students,please proceed now to the quadrangle."rinig namin sa speaker.Kinuha na namin lahat ng gamit ni Zaire tsaka nagderetso sa quadrangle.Nakita namin ang barkada na nakaelera sa may Timog.Pumunta kami doon tsaka kami tumabi kina Cess tsaka kuya Ahron.

"Okay welcome children sa first night natin dito.Okay so,we have a huge activity this night."saad ng emcee na nasa gitna habang nakahawak ng mic.

Habang nagsasalita ang emcee,napapansin ko na parang may taong nakatingin sa kinaroroonan ko.Ito na naman yung feeling nung opening.Tinignan ko ang paligid ko,at tama nga.Mayron.Siya yun.Yung lalakeng kamukha ni Zach.

May kalayuan siya sa amin.Nakakatakot mang tignan at isipin pero parang napakahalaga ng tingin niya.Nakakapagtaka naman at napapatingin sa akin ito.

"Okay so,ang una nating laro ay tinawag na 'Getting to know each other'.Ito ay laro na kung saan may blindfolds na maibibigay sa inyo ngayon.Itatakip niyo yan sa mga mata niyo.At habang tumutugtug ang musika maglalakad kayo.Since may fence naman tayo,walang makakalabas sa linya.Kapag tumigil ang musika,yumakap ka ng mga taong nafefeel mo ay malapit sayo.Pagkatapos,tanggalin ang blindfold at tsaka magpakilala sa isat isa.After ng 15 minutes na pagkilala,may isang representative per school ang pupunta sa gitna at sasabihin kung sino ang mga nakilala.Ang may pinakamarami na nakilala ay mananalo at ang school ng student na yun ay magkakaroon ng free meat,burgers,fries,sundae,and coffee sa mga next na days."nagsigawan naman silang lahat nang masabi na lahat ng emcee ang laro.So,magpapakilala kami ngayon?Sounds nice naman.

Never EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon