Chapter 9:Gabing hindi ko makakalimutan

81 2 0
                                    

Chapter 9:Ang gabing hindi ko makakalimutan

Ahron Carlisle Cortez' POV

"Uyyyyyyy,Ronnie gising na ahhh"sabi ng isang babae.

"Uyyyyy,Ronnie gising nahhh.Ehhhhh,magagalit ako sayo."sabi niya ulit.

"Hmmmmmmm,five more minutes"sagot ko sakanya.

"Bhieee,please.Hihiwalayan na kita"pagkasabi niya nun bumangon na ako agad.

"Sabi ko nga bhie eh,gising na ako."masigla na sabi ko sakanya.

"Ang galing mo talagang magpatawa bhie.Kaya mahal na mahal kita ehh"sabi niya.Napangiti ako.

"Mahal na mahal kita bhie.Pangako,mamahalin kita hanggang pumuti lahat ng buhok natin.Sabihin na natin na habang buhay mamahalin kita,aalagaan kita,iingatan,papasayahin"sabi ko sakanya.Lumapit ako sa kinaroroonan niya saka ko siya niyakap.

"Salamat bhie.Kahit na kilala ka bilang isa sa mga dakilang badboy,may malambot ka palang side.Mahal kita bhie"sabi niya.Mas niyakap ko siya ng mahigpit.

"Mahal na mahal din kita bhie"sagot ko sakanya.

Yun ang gabing hinding hindi ko makakalimutan.Yung huling gabi at araw na sinabi sa akin ni Monique na mahal niya ako.Yung pinangako ko sakanya na mamahalin ko siya habang buhay.Yung sinabi ko sakanya na iingatan,aalagaan at habang buhay ko siyang papasayahin.

"Hayyyyy,Monique sana balikan mo ako.Mahal pa rin kita"sabi ko habang hawak hawak ko ang picture naming dalawa.Yung nakahug ako sakanya tapos naka wacky face siya.

Nandito ako ngayon sa kwarto.Nang malaman kong nagmall si Cass,hindi ko na naisipang sundan ang batang yun.Malaki na yun,black belter yan sa karate,gold trophy champion yan sa martial arts,tapos muntik ng nakapatay ng 6 na kalaban niya dahil sa galing niyang magboxing.Naku,mana sa akin yan ehh.

Parehas lang sila ni Monique.

"Nandito lang ako,handang maghintay para balikan mo ulit."sabi ko.Tinitigan ko yung art picture namin na malaki na naka frame nung nasa Paris France kami.

Ba't ganun???Kahit na iniwan niya ako mahal na mahal ko pa rin siya.Mahal na mahal.

Basta titigan ko yung larawan naming dalawa,palagi kong naaaalala ang araw,buwan,at taong nung iwan niya ako.

Flashback

August 23,2014

Nandito ako ngayon sa isang resort namin dito sa America.Dito kasi ang favorite place ni Monique,at dito rin sa America ang dreamland niya.Since,23rd aniversary namin ngayong araw,gagawa ako ng bongga at malaking surprise para sa kanya.

Nag istay in kami sa isang hotel namin dito sa America,nagpanggap akong bibisitahin naming dalawa ang lola at lolo ko.Kaya,sumama agad yung tao.Ewan ko pero medyo matamlay siya na excited???Ewan,basta gagawin kong best day ever ang araw na to.

"Uhmmmm,sir anong favorite color nung girlfriend niyo po?"tanong sa akin ni Kim.

"Well,she both likes red and orange.But she most love orange"sagot ko sa tanong niya.Si Kim ang isa sa pinakamagaling na designer sa buong mundo.Siyempre Cortez ako kaya ko naman siyang bayaran.Bihira lang yan mag trabaho dahil marami ang sinisingil niyang pera.

"Uhmmmm,kelan po namin kukunin ang girlfriend niyo sir?"tanong sa akin ni James.

"Well,at 5 oclock"sagot ko.

Ang gagawin kasi namin,tatawagan ni Kim si Monique at sasabihin niyang nakita niya ako na may kasamang babae.Pero hindi yung totoo,tapos magagalit si Monique,and then magwawala yun kaya pupuntahan niya ako,dahil sa hindi niya alam magdrive magtataxi siya,tapos pagkababa niya,si James kunwari niya itong kikidnapin at dadalhin dito na may takip ang mata.

Never EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon